Chapter 4: Panaginip?

125 9 4
                                    

Miguel's POV

"Ahahaha gago ka talaga Ezekiel" Tawa namin.

Paano ba naman, may pulubing bulag kanina, bale naawa kami. Ako nagbigay ng dos, si Jen piso tapos si Lester lima. Tapos langya si Ezekiel binigay sampu! Akala namin nagiging banal na eh, pero syempre gago, yan naghintay ng sukli! wtf! xD

Langya talaga tong tropa namin. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal namin yan!

"Uy Ezekiel hayaan mo na" Sabi ni Lester.

"Hahayaan ko naman talaga eh" Tawa ni Ezekiel. "Alam mo namang nagpapakabanal na ko para kay Bea my loves"

Kinutusan ko si Ezekiel. "Ito! panay Bea my loves kadiri eh"

"Owz di ka lang maka-da-moves kay Chienna eh!" Pangaasar niya.

"Aba gagi ka ah" sinuntok ko si Ezekiel ng pabiro kaso nailagan nya.

"Habulin mo ko sa loob!" pabirong sabi niya sabay tumakbo papaloob ng school.

"Ano? di mo ba hahabulin yon?" tanong ni Lester na nakangisi.

"Kaylan pa ba ko nagpatalo kay Ezekiel?" sagot ko.

Tumakbo kami paloob ng school ng biglang may narinig kaming siren.

"Calling on all Central Highschool III students, please return to your classrooms immediately I repeat, please return to your classrooms immediately"

Ano nanaman kayang meron?

"Guys classroom daw" sabi ko sa kanila Jen.

tatakbo na sana ako papaakyat ng biglang pinigil ako ni Jen.

"Bat ka tatakbo? Magpapagod ka lang" sabi niya. May point siya, kaya sumunod kami.

Chill lang kami na umakyat papunta sa classroom namin. Bat nga ba kami tatakbo? eh sa 3rd floor pa classroom namin.

"Nako, ano nanaman trip ni Jared at Michael. Pustahan may kolokohan na nagawa nanaman yung dalawang yon" bintang ni Lester.

"Ito eh, porke may emergency si Jared at Michael agad. Naay Lester" sabi naman ni Jen.

"Gagi toh eh" dagdag pa ni Ezekiel.

"Ah, ako pa pinagtulungan gago talaga tong mga toh"

"Kala mo ang banal mo eh" dagdag ko.

"Tong tatlong toh" simula ni Lester. "Ayaw pa aminin na babakla lang kayo kina Michael eh"

sabay-sabay naman kami "Yuck!"
Sasabat muna ko ng biglang may nakita kaming di naming malilimutan.

May kungbagang nilalang na kumain ng isa sa mga janitor. Naghihingi pa ng tulong yung janitor ng biglang pinasok ng sinabing nilalang ang daliri nito sa bunganga ng janitor sabay hinila papataas.

Napapikit ako. Di ko kaya tignan yung susunod na mangyayari. Sila Lester halos masuka pa.

Sinimot ng nilalang ang janitor. Halos mangiyak ako sa nakita ko. Sobra na, anong klaseng mundo ito?

Umiling ako. "Guys halika na" sabi ko sa kanila. Inalalayan ko silang umakyat. "Dali!dali!"

Dali dali naming sinara yung pintuan sa room ng nakapasok kami. Wala si ma'am, pati na rin yung iba naming kaklase.

"Guys bakit? hinggal na hinngal kayo" sabi ni Jeian halatang nagaalala.

"Wala, wala nang oras" sabi ko hinggal padin. "Sara niyo lahat ng pwedeng mapasukan! DALI!"

Grade 9 [On Hold]Where stories live. Discover now