Ch.9: Another

59 8 9
                                    

"Guys, pano tayo makakalabas dito?" Tanong ni Bea. "Parang maze tong lugar na toh"

"Ginawa kasi nila tong lugar na toh para pumatay ng tao, malamang hindi toh madali matakasan" sabi ni Aaron.

"Kaylangan natin--" simula ni Lester kaso pinutol siya ni Vaness.

"Mahanap si Hubby" sabi ni Vaness.

"Vaness--" simula ulit ni Lester kaso pinutol ulit siya ni Vaness.

"Ano?! Hindi tayo aalis hanggang hindi mahahanap si Hubby"

Wala namang sumagot pagkatapos pa non. Parang natahimik sila.

"Masyadong delikado yang gusto mo Vaness" sabi ni Lester.

"Hindi nga natin alam kung nasan tayo eh tapos hahanapin pa natin si Hubby mo?" Dagdag pa ni Ezekiel.

"Edi wag! Hindi ko kaylangan ng tulong niyo" Sabi ni Vaness. Paalis na siya kaso pinigilan siya ni Miguel.

"Aalis ka na naman" sabi ni Miguel.

Tinagal ni Vaness yung kamay ni Miguel sa braso niya. "Bahala kayo! Either tulungan niyo ko or hayaan niyo ko umalis"

"Oo na! Tutulungan ka na namin" pilit na sabi ni Miguel.

Ngumisi si Vaness. "Madali ka naman pala kausap eh, haist halika na"

Bumalik ulit sila sa paglalakad. Nangunguna si Vaness at nakasunod sina Miguel sa kanya. Lumapit naman si Ezekiel kay Miguel.

"Dapat hinayaan mo na siya eh" bulong ni Ezekiel.

"Huh?" Tanong ni Miguel.

"Dapat hinayaan mo na siya, pahirap lang naman yan eh" sabi ni Ezekiel.

"Kaylangan pa natin siya, hanggang hindi pa natin nakukuha yung weapons natin kaylangan natin siya" bulong ni Miguel kay Ezekiel.

Lumapit naman si Jen at Lester sa usapan.

"Bat naman? Kaya na naman natin ah!" Sabi ni Jen.

"Hindi Jen. Si Vaness lang yung pinaka 'skilled fighter' satin at siya lang yung may experience. Kaylangan nga natin siya" sagot ni Lester

"Ano ba yaann" Reklamo ni Jen.

Masyadong busy sa pakikipagusap yung apat na hindi nila na malayan na tumigil ang mga kaibigan nila sa paglalakad.

"Oi bat tumigil" tanong ni Jen halata yung inip sa tono niya.

Walang sumagot sa kanya. Nanatili lamang tahimik ang mga kasama niya. Dahil sa walang sumagot at gusto niya ng tanong. Naglakad siya sa pinakaunahan, sinusundan nila Lester, Miguel at Ezekiel.

Natigil siya ng makita niya ang isang babae sa harap nila. Mga malapit lang ang edad ng babae sa edad nila. Tuwid at mahaba ang kanyang buhok na tumigil sa dibidib niya. Tahimik siya at nakasuot ng isang may pagkapunitpunit at maduming dress.

Walang kumibo. Ngunit halata ang takot sa mata ng babaeng nasa harap nila.

"Kung aatake ka, wag na. Out numbered ka dre, buti pang umalis ka na" sumbat ni Vaness.

Lalo pang natakot ang babae. Napalakad siya papalikod akmang tatakbo. Tumaas ng kilay si Vaness.

"Duwag" Sinuntok ni Jeian si Vaness sa braso. "Aray!" Sabi ni Vaness habang hinihimas ang braso na sinuntok ni Jeian.

"Tanga ka ba? Obvious na takot yung tao tapos ginaganyan mo pa" pagalit ni Jeian kay Vaness.

Hindi sumabat si Vaness, tinitigan niya lang si Jeian ng masama.

Bumuntog hininga si Jeian. Napalunok siya sabay lumapit sa Babaeng nasa harap nila. "Hi! Ako si Jeian. Ito nga pala ang mga kaibigan ko. Wag ka magalala, hindi kami nananagat. Kwera saguro kay Vaness. May matinding trust issues yang babaeng yan ewan ko ba"

Imbes na ma-comfort yung babaeng nasa harap nila, mukhang lalo pa itong natakot. "K-kumakain siya ng t-tao?" Nanginginig niyang tanong.

"Ay hinde! Parang metaphor lang yon!" Sabi ni Jeian.

Tinitigan sila ng babae parang pinagmamasdan.

"Miss, matutulungan mo ba kame?" Tanong ni Miguel. "Kaylangan namin maka labas dito,"

"At may hinahanap kaming aso. May nakita ka ba?" Dagdag ni Vaness.

Umiling yung babae. "Aso? Walang hayop na nakakaligtas dito. Tapos labas? Pag nakapasok ka hindi ka na makakalabas!"

"Imposible. Saguro naman may paraan" sabi ni Miguel para bang desperadong-desperado.

"Mas imposible yang gusto nyong mangyari" sabi ng babae.

Nagtinginan ang magkakaibigan. Saguro nga wala na silang magagawa.

"Ah miss? No offense pero, panong buhay ka pa?" Tanong ni Lester.

Tumugil yung babae. Iniisip nya muna kung sasagot siya o Hindi. "Depende sa kanila kung kaylan ka nila papatayin. Hanggang buhay pa tayo mananatili tayong alalay sa kanila"

"Alalay? Ayoko!" Reklamo ni Vaness.

"Ayoko rin. Araw araw nabubuhay kami sa takot. Hindi alam kung sino ang susunod."

"Kami? Meron pang iba?"

Tumungo yung babae.

"Miss--" simula ni Miguel kaso pinutol siya ng babae.

"L-Lea"

"Lea" simula ulit ni Miguel. "Kaylangan mo kaming tulungan. At least magsilbing 'guide' ka lang namin. Tapos pag nalaman na namin kung pano makatakas pwede ka naming isama"

Tumungo ulit si Lea. "Susubukan ko. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na... Malabong makatakas dito"

To be continued...

Grade 9 [On Hold]Where stories live. Discover now