Ch.8: Slaughter House

86 10 0
                                    

Naglalakad sina Miguel sa isang tahimik at madilim na lugar. Walang gusto magsalita. Isa nanamang kaibigan ang nawala sa kanila.
At ang masaklap, wala sila magawa kundi tanggapin ito. Kasalukuyan silang nasa isang mapuno na lugar.

"Pwede na saguro dito" sabi ni Lester.

"Dito na tayo magpapalipas ng gabi?" Tanong ni Jeian na nakapasan parin sa likod ni Lester.

"Oo eh" binaba ni Lester si Jeian at nilapag sa sahig. Pagkatapos non ay may kinuha siya sa backpack niya.

"Sleeping bags, nakakuha ako ng apat. Mga babae na lang ang gumamit" sabi ni Lester

"Tatlo lang naman babae eh" sabi ni Bea.

"Tapos ayokong gumamit ng sleeping bags, kayakap ko na lang si Hubby" sabi ni Vaness.

"O siya yung dalawang babae na lang yung gagamit tapos si Kenjie at Rainpaul gagamit ng dalawa. Tapos may isang magbabantay take turns tayo" Desisyon ni Lester. Lahat naman pumayag sa desisyon niya.

"Ako na muna magbabantay" presenta ni Jen.

"Hindi tsong, ako na" gigit ni Lester. "Gamutin mo na lang yang sugat mo, may first aid kit sa bag kunin mo na lang"

Sumunod naman si Jen. Pinaghatihatian nila ang laman ng first aid kit para magamot ang isa't isa.

"Guys tulog na"

Gumawa sila ng campfire at humanap ng komportableng posisyon at sila'y natulog.

*****

Miguel's POV

nagising ako dahil sa mga sigaw ni Lester.

"Miguel! Takbo na! Mig--umph" Hindi na niya natuloy ang sinabi nya dahil may lalaking nakamaskera na bumatok sa kanya gamit ang baseball bat.

Madilim ang paligid at nanlalabo pa ang paningin ko.
Nang biglang may bumatok din sakin at tinakpan ang mga mata ko.

Ang huling nakita ko ay pinapasok kami sa loob ng isang van.

*****

Lester's POV

Nagwawala ako sa loob ng kulungan ko. Di ako makaalis kasi metal yung pinto. Nilagay ako dito ng mga lalaki kanina. Ewan ko kung ano pakay nila basta nilagay nila ako dito. Sa pagkakaalam ko lahat kami nakuha eh. Pero iba-iba kami ng selda. 

Napaupo ako sa sahig. Napakawala kong kwentang leader. Dapat ako yung magbabantay sa kanila pero ako yung nagdala sa kanila sa pahamak.

"Ugh" Napasabunot ako sa buhok ko. "Napakabobo ko" sabi ko sa sarili ko.

Nagulat na lang ako ng may pumasok na tatlong lalaki sa selda ko. Isang walang maskera at dalawang meron. Nasa gitna yung wala. Siya saguro yung "utak" ng grupo.

"Dalhin nyo na yan" sabi nung nasa gitna.

Pinalo naman ako ng isa sa tyan gamit ang bakal kaya napaluhod ako sa sakit. Kinuha nila ang kamay ko at tinali sa likod ko.

"Tayo" sabi nung isa. Sapilitan naman nila ako pinatyo.

Grabe tulo ng pawis ko sa noo ko. Kaylangan ko makaisip ng plano para makalabas dito. Nakalabas na kami ng selda ko at naglalakad kami papunta kung saan man.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Wala lang man sumagot sakin. "Tangina niyo noh?" Sabi ko. Wala parin pumapansin.

Di pala nila ako papansinin ha? Nagsimula ako magpumiglas sa hawak ng lalaking isa. Nakawala naman ako. Sinipa ko yung isa sa bayag niya at nag akmang tumakbo.

Grade 9 [On Hold]Where stories live. Discover now