Chapter 38

3.7K 69 10
                                    

Kurt's POV

Lakad dito at lakad doon ang ginawa ko sa mga nakalipas na minuto ng dumating kami ni Katsumi sa condo ko. Napagpasyahan ko'ng bumalik dito dahil sayang naman kung aabandunahin ko lang.

"Pre, pwede ba? Kung pwede lang ha? Umupo ka muna. Ako yung nahihilo para sayo eh."

"Pakiramdam ko kasi may mali eh." 

"Mali? Anong klaseng mali?" Tanong niya uli.

"Hindi ko alam. Yun nga yung hindi ko mapaliwanag. Something bothering me inside?"

Tumayo siya at umakbay saakin. "Something o someone? Hmm," He put his thumb on his chin at kunwaring nag-iisip. "Baka naman naguguluhan ka na naman sa nararamdaman mo? Sure ka na ba talaga sa pag papa-annul ng kasal niyo? O baka naman, gusto mo ulit ng isang sapak para matauhan ka?"

Hindi ko matanto kung alin ang mali sa mga sinabi ni Katsumi o sadyang tama nga talaga lahat. Kahit sarili ko hindi ko maintindihan. Bakit ba kelangan talaga maguluhan ng tao? Noong una ay desidido na talaga ako sa gagawin ko pero ngayon, kanina, habang binibigay ni Helena yung mga papeles ay parang gusto ko siyang yakapin at wag nalang ituloy.

"Alam mo pare," He paused at umikot papunta sa harap ko. "Kaya hindi umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil yung mga tao laging nadadala sa mga nararamdaman nila." Umalis siya at umupo ulit sa sofa so I faced him. "Kung baga, huwag ka kasi magdedisyon ng galit ka, ayan tuloy naguguluhan ka ngayon. Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat, you still have time. Hindi mo pa naman nabibigay yung annulment papers. Pwede mo pang punitin." Kumento niya.

Matagal ko'ng tinitigan ang envelope and I end up shooking my head. "Hindi pre, yung desisyon ko ay para sa ikabubuti ng lahat."

Nagbuga lang ito ng malakas na hiniga. "Desisyon mo na yan, wala na akong magagawa. I know there's a reason behind. Hindi ka naman siguro ganun ka babaw na makikipaghiwalay nalang basta-basta. Pero kung ayaw mo ikwento muna sa ngayon, ayos lang pare. Tropa pa din naman tayo." He gave me a manly hug. Nag cheers kami ng beer cans na hawak namin at umupo na din ako sa sofa.

Moments later, nagpaalam na din si Katsumi dahil susunduin niya pa daw si Ces. Naiwan akong mag-isa sa condo. Nilibot ko ng tingin yung buong silid, everything changed. Everything is never been the same. May mga binago kami ni Katsumi ng ayos pero hindi ko na ginalaw yung ibang gamit na si Helena mismo yung nag-ayos.

Kahit papano'y, she still have a special part in this place we used to call home. I want her memories stay. 

NATIVIDAD'S RESIDENCE

"Ano ng balita Evan?" General asked.

"Naghiwalay na po sila, General. Rae just flew to United Kingdom. Her friends, including Mamita and Lolo helped her." Evan reported.

"Good to hear that. Hindi na tayo mahihirapan. Ayoko ng ni isa sa inyo ay konektado sa pamilyang yun." He replied without giving Evan a look and just continued what he's doing. "You may leave now." General continued.

Unexpected Expectations (Completed)Where stories live. Discover now