Chapter 57

2.6K 54 4
                                    

Rae's POV

"Hi Mrs. Estrada, Everything is set." Masayang balita ng personal nurse saakin ni Kurt.

"Salamat po. Maraming salamat." I hugged her tight.

Nakangiti akong bumalik sa kwarto ni Kurt. 

"Gising ka na pala. Anong gusto mong kainin? We will stick to your meals since you arrived here, okay? Hindi porke't mahal kita, eh pagbibigyan na kita."

"Ikaw nalang .. soft ka naman, eh."

I prepared a food for him at umupo sa tabi niya. "Ikaw, puro ka kalokohan. Kumain ka ng marami ha? Rest well kasi any moment now pwede ka na operahan. Kaya magpalakas ka."

Kurt's lips formed a half smile. "Yuck Kurt. Ano ba iniisip mo? Bakit parang iba?"

"Ha?" Pa inosenteng tanong nito. "Ikaw ata ang mali ang iniisip saating dalawa."

"Kumain ka na nga lang!"

Sinunod naman niya agad ang sinabi ko. I was just sitting next to him, and stole glances at him who was unaware he was being looked at. 

For me, siya parin ang lalaking pinagkakaguluhan sa campus namin noon, siya parin yung lalaking hinahabol habol ko noon, siya parin yung lalaking ginampanan ang isang pinakamahirap na bagay sa murang edad, ang maging ama. Siya parin yung pinakagwapong lalaki sa paningin ko, yung pinakasalan ko, at yung lalaking pinangakuan ko ng habang buhay na pagmamahal.

Hindi ko maiwasang isipin na malapit ko ng pakawalan ang lalaking 'yon. Ang lalaking bumuo ng buhay ko.

Wala ni isang doctor ang nagsabi saakin na magiging successful ang operation niya. Wala ni isang tao dito ang binigyan ako ng kasiguraduhan. 

Dying .. Paano nga ba magpaalam sa buhay mo? It will never be easy, it will always be difficult. Everyday of my life I promised myself to give my husband a memorable days, moments that he could ever have. 

"Mahal, bakit ka umiiyak?" Kurt's voice dragged me out from my thoughts.

"Wala naman. Masaya lang ako." I shed my tears. "Ma ooperahan ka na. Gagaling ka na, diba?"

Kurt's POV

"Ma ooperahan ka na. Gagaling ka na, diba?" 

Tanong na puno ng pag-asa.

My eyes stayed long on the crying face of my wife. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil kahit sa simpleng pag sagot ng oo para mapasaya siya ay hindi ko magawa.

Cause I know to myself, since then, I cannot promise her a blissful happiness. 

Unexpected Expectations (Completed)Where stories live. Discover now