Chapter 44

3.6K 62 2
                                    

Rae's POV

"Oh? Andito ka parin? Teka nga, umalis ka ba diyan sa kinauupuan mo simula kanina?" Hindi ko na sinagot si Joanne at pinagpatuloy parin yung ginagawa ko.

"Wine?" She asked.

"Yes please."

She hand me the wine glass and sat next to me. "Overtime?"

"Kailangan ko matapos 'to ngayon. Ipre-present ko 'tong mga final designs bukas sa gumuhong 'yon."

"Pinapahirapan ka ba niya?" Natatawang tanong ni Joanne.

"More on iniinis! Alam mo, 'yong mga lalaking katulad niya dapat binibilad sa araw hanggang sa maluto tapos gigilingin at ipakain sa ahas. Sobrang landi!"

"Talaga? Nilalandi ka niya?"

"Oo! At kulang nalang manyakin niya ako! Ikakasal na nga, para paring higad! Nakakabuisit siya, tapos kung bibigyan niya ako ng trabaho akala mo ako si wonder woman."

"Okay lang yan. Masanay ka na." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. 

"Masanay? Neknek niya. Ang kapal ng mukha niya."

**

The day came. I smiled widely to look more presentable bago lumapit sa lamesang nasa labas ng opisina ni Kurt.

"Hi Ma'am. Good morning." The girl in a wrap fuschia pink dress greeted me. In fairness, she looks fine. I wonder if nilalandi din siya ni Kurt.

"Good morning. Is Mr. Estrada inside?" 

"Not yet Ma'am. He's still in the meeting with the board. Are you Ms. Natividad? Just please come inside Ma'am. He'll be there in a moment."

"Alright. Thanks!"

She smiled as an answer and I made my way inside. Unexpected, sa ilang taong lumipas, hindi parin pala nagbabago ang taste ni Kurt sa kulay at ayos na gusto niya. His office reminds me of his room when I first  saw it. Black, white and gray. Other than that .. none. Nothing's new.

Nilibot ko ang buong silid at matiyagang pinagmasdan lahat ng frames na nakasabit sa dingding. How come na kahit isa, walang picture ng fiancee niya? na silang dalawa magkasama? 

"Malandi talaga." I whispered. 

Before I proceed to his table, tinignan ko muna yung salamin to check if nakababa ang blinds. Nang masigurado kong walang nakatingin saakin ay dahan dahan akong lumapit sa lamesa ni Kurt. I don't want to invade his privacy so umupo ako kung saan dapat ako naka-upo. Hindi naman ako hundred percent usisera para sa swivel chair niya ma-upo. Baka mahuli pa ako nun na pinapakialaman gamit niya. Isa isa kong tinignan ang mga picture frames na nakalagay sa lamesa.

Unexpected Expectations (Completed)Where stories live. Discover now