CH - 3

8.6K 146 47
                                    

----------------

Thea's POV



Nagising ako at ang unang bumulaga saakin ay ang puting kisame. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Pero wala namang kisame at ulap hindi ba?




Nang maisip ko 'yon ay ibig sabihin buhay pa ako umupo na ako at napa ngiwi dahil sa sakit ng ulo ko parang gusto ko na lang kumuha ng lagari para matangal ang sakit ng ulo ko. Bigla akong nagtaka ng Makita ang pamilyar na kwarto kung nasaan ako.






Bago ko pa maisip kung bakit pamilyar ang kuwarto kung nasaan ako ngayon ay bigla ng pumasok ang may ari ng bahay na 'to naka salubong ang kilay n'ya habang masamang naka tingin saakin agad naman akong ngumiti ng malawak sa kanya sabay nag alanganing peace sign.





''Hi Kuya.'' Bati ko sa kanya pero mas lalo atang nag salubong ang kilay n'ya ng batiin ko s'ya hinanda ko na ang sarili ko at dahil siguardong papagalitan nanaman n'ya ako. Ewan ko ba alam ko ay mag isang nag punta lang ako sa bar kagabi paano ako naka uwi dito?





Agad naman ako napatingin sa kuya ko walang iba kundi si Maximillo Marquez siya na lang at si Lola Maristella ang pamilya ko namatay ang magulang namin dalawa sa isang car accident pauwi na sila noon ng may mabilis na bus ang naka tama sa sasakyan nila.





Mas matanda lang naman ng isang taon saakin ang kuya Maximillo ko pero simula ng bata kami ay s'ya na ang nag aalaga saakin kasama si Lola Maristella at si Lolo Thunder ngunit namatay na ang lolo namin dahil sa heart attack kaya naman sila Lola Maristella at ang Kuya ko na lang ang pamilya na meron ako.





Hindi sila nag kulang sa pagpapalaki saakin kaya naman lahat ng luho ko sa buhay ay pinag bibigyan nila lalo na ang kuya ko na kahit medyo may kasungitan ay andyan pa 'din para saakin kaya naman ngayon hindi na ako magtataka kung bakit andito ako siguradong sinundan n'ya ako kagabi.





Isa akong kilalang modelo sa iba't ibang bansa simula bata palang ako ay gusto ko ng maging isang model kaya naman nagpunta ako sa ibang bansa para doon umpisahan ang mga pangarap ko na maging isang sikat na modelo at dahil sa pagsusumikap ko ay naging sikat na modelo nga ako.





TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon