CH - 34

3K 108 23
                                    

------------------

Thea's POV


"Isa na lang ang available na kwarto.'' Pinaglakihan ko naman ng mata si Terrence dahil sa sinabi niya.



''Dong hindi ba madami pang kwarto sa---'' agad naman tinignan ni Terrence si Sabrina ng masama nagtakip naman ang asawa niya ng bibig at tumalikod.




Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Terrence habang busy siya na kinukuha yung card sa kwarto namin. Lumingon naman ako sa katabi ko na tahimik. ''Bakit hindi ka kumikibo dyan?'' tanong ko kay Jason




Pero hindi naman niya ako pinansin at lumapit siya kay Sabrina ''Hi Sab ang ganda mo ah?'' nakangiting sabi ni Jason.





''Maliit na bagay.'' Tatawa-tawang sagot ni Sabrina malakas naman na tumikhim si Terrence dahilan para mapatingin kaming tatlo sa kanya nakikita ko din na parang may lumalabas na maitim na aura sa paligid niya agad ko naman hinila si Jason palapit saakin.




''Katulad ng sinabi ko kanina isa na lang---''




''Madami pa kaya Dong kasing dami ng pagmamahal ko sayo.'' Singit ni Sabrina nakita ko naman ang palihim na pag ngiti ni Terrence kaya naman simangot na lang ako at kinuha ang card sa kamay ni Terrence.




''Oo na isa na lang ang available kukunin ko na para makapag landian na kayo.'' Hinila ko na ang maleta ko at naglakad papunta sa elevator sumunod naman si Jason na tahimik pa rin.





''Bakit ang tahimik mo---'' hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.



''Anong floor?''



''Six." Sagot ko tinignan ko naman si Jason na pinindot yung elevator button nakatalikod siya saakin hindi naman ako nakatiis at kinalbit ko siya pero hindi pa rin sya lumilingon.




May dalaw ba ang isang 'to? Kanina ayos pa ang baliw na 'to eh.



''Gusto mo ba mag stay dyan?'' masungit na tanong ni Jason

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon