CH - 4

7.1K 137 44
                                    

Dedicated to @Danzele thanks for reading, voting and commenting love lots! godbless you! xoxo.

---------------

Thea's POV



Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako ng hagdan at mabilis na nag punta sa kusina para kumuha ng tubig lumabas na ako at hinanap kung nasaan ang kuya ko pero hindi ko man lang s'ya Makita sa kung saan saan.




Kaya naman nagpasya na lang ako na bumalik sa sala pero paharap na ako ng bigla akong magulat dahilan para matapos ko ang laman ng tubig sa tabi ng lalaking bigla na lang sumulpot sa kung saan.





Narinig ko ang malakas na pagsinghap n'ya paano ba naman malamig 'yung tubig ng tumingala ako para tignan s'ya ay nagsalubong ang mga mata namin. Isang lalaki na matangkad at matipuno ang katawan pamilyar saakin ang mukha n'ya pero sigurado ako na ngayon ko lang s'ya nakita sa buong buhay ko.





O siguro ay nakita ko na s'ya pero hindi ko maalala kung saan? Pero kung nakita ko naman s'ya siguradong maalala ko s'ya bakit? Simple lang dahil sa mukha n'ya at sa suot suot ang lalaking nasa harap ko ngayon ay naka suot ng barong tagalog na parang dadalo sa libing.






May suot na salamin at ang buhok ay naka baba at kulay pula na kahit ata ang color na pula ay mahihiya sa sobrang tingkad ng kulay n'ya naka ngitin s'ya saakin at parang nagcocommericial ng isang kilalang toothpaste brand.





''Hello po Madame.'' Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi n'ya. Ano daw madame? O madami?





''Apat na ang mata mo pero mukhang Malabo pa 'din ang mata mo isa lang ako hindi madami.'' Mataray na sabi ko nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha n'ya pero mayamaya ay tumawa ng mahina.





''Naku pasenya na po Madam ngunit magmumukha akong alien kung dadamihan ko pa ang mata ko.'' Naka ngiting sagot n'ya hindi ko na lang pinasin ang patawang kalbo n'ya at mabilis na nilagpasan s'ya sakto naman pagbaba ng hagdan ng kuya ko.





''Hello Bossing.'' Bata ng lalaking magiging bodyguard ko napasimangot naman ako habang pinagmamasdan ang paglapit ng kuya ko paano ba naman maliligtas ba ako ng baliw na lalaking magiging bodyguard ko? Mukha kasi itong nerd.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon