C H - 10

5.3K 120 61
                                    

-----------------

Thea's POV



Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na naka patong sa may ulo ko. Agad na nag ayos naman ako ng upo pero biglang nag landing ang ulo ni Monte sa balikat ko kaya pala mabigat ang nasa ulo ko dahil naka patong pala saakin ang ulo n'ya.




Tulog na tulog 'din ang mga nasa bus hindi nga lang ang Kuya ko na ngayon ay mukhang nakikipag talo sa babaeng katabi n'ya na si Rosercl base na 'din sa mukha ni Rosercl ay makakain na n'ya ng buhay ang Kuya ko na mukhang walang pakialam sa mga sinasabi n'ya.




Napatingin ulit ako kay Monte na mahimbing ang tulog pero saglit lang 'yon dahil nakuha ng atensyon ko 'yung pwesto nila Terrence at Sabrina. Parehong natutulog ang dalawa at naka yakap pa si Terrence kay Sabrina.





Bigla ko tuloy naalala noong natulog ako kasama si Terrence sa isang upuan lang. Nakayakap 'din s'ya saakin pero ang pinag kaiba lang ay mas mahigpit ang yakap n'ya kay Sabrina at naka siksik pa s'ya dito.





Naramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng mata ko. Tumingin ako sa labas ng bintana ng bus habang pinag mamasdan ko ang pag lubog ng araw. Naramdaman ko naman na medyo nahulog ang ulo ng katabi ko sa balikat ko kaya naman agad na hinawakan ko ang ulo ni Monte at baka mamaya magulat na lang ako nasa sahig na ang mukha n'ya.





Habang hinahawakan ko ang ulo n'ya na wag mahulog ay napa tingin naman ako sa buhok n'ya. Matagal ko ng naisip kung ba matigas o malambot ang buhok n'ya dahil sa kulay 'non kaya naman hinawakan ko ang buhok n'ya at hindi ko napigilan ang magulat.





Paano ba naman ay mas malambot pa ang buhok n'ya kaysa saakin na babae. Ano naman kaya ang shampoo n'ya at ang lambot ng buhok n'ya. Napa tili ako ng biglang mag preno ang bus kaya mahigpit na napahawak ako sa buhok ni Monte.





Narinig ko naman ang malakas na pag singhap n'ya dahil sap ag sabunot ko sa buhok n'ya kaya nagising s'ya. ''Sorry.'' Pag hingi ko ng pasenysa habang inaayos ang nagulong buhok n'ya. ''Kung sanang galit ka sa mundo madam wag mo naman pag tripan ang buhok ko nanahimik 'yan.'' Reklamo n'ya habang naka ngiwi.





Napa simangot naman ako. ''Hindi ko naman sinasadya nagulat lang ako ng mag preno 'yung Bus.'' Panga-ngatwiran ko 'akala ko naman ay mag rereklamo pa s'ya pero ngumiti lang s'ya saakin at pinisil ang ilong ko dahilan para magulat ako.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon