CH : 30

4.4K 110 21
                                    

Dedicated ang Chapter 30 para sayo @princesslie21 dahil sobrang excited ka HAHAHAHA. Lol. Hope na mag enjoy ka sa chapter na 'to. At sa iba pang nagbabasa :* Mahal ko kayong lahat. 

----------------

Thea's POV


Kinakamot ko pa ang buhok ko at wala sa sariling lumabas ng kwarto ng Makita ko sa may pintuan ng kusina si Elizabeth habang naka tunganga sa kung anong bagay sa loob lumapit naman ako sa kanya at pinalo ang balikat.




''Anong ginagawa mo dyan at parang manakikita kang multo?'' hindi naman sinagot ni Elizabeth ang tanong ko at basta na lang may tinuro.




Nanglaki naman ang mata ko sa tinuro ni Elizabeth hindi naman kasi s'ya ano kundi sino s'ya walang iba kundi si Jason na busy sa ginagawang pag babalat ng patatas habang naka upo sa sahig at hindi lang 'yon wala s'yang suot na pang itaas.




Nasa taas ng lamesa ang pangtaas n'ya parang wala naman s'yang pakialam na dalawa kaming babae na nasa loob ng hotel room. Agad na pina-ikot ko si Elizabeth na wala pa rin sa sarili n'ya lumapit naman ako kay Jason na at inilagay sa mag kabilang gilid ng bewang ang kamay ko.




''Anong ginagawa mo dito at bakit naka hubad ka? Hindi mo ba naisip na dalawa kaming babae dito?''




Parang wala lang kay Jason ang sinabi ko at ngumiti saakin ng matamis. ''Pinagluluto kita ng lunch sabi ni Elizabeth na siguradong hapon kapa magigising. 'Saka s'ya ang nagpa pasok saakin dito.''




''Sana tumawag ka muna para alam ko.'' Naiiritang reklamo ko at pumunta sa ref para kumuha ng maiinom.




''Bakit pa ako tatawag? Para makapag ayos ka?'' tanong saakin ni Jason habang nag babalat ng patatas.




''Bakit naman ako mag aayos para sayo? Ano ka sinuswerte?''




''Hmm. Sabagay mas bagay mo nga naman 'yan. Magulong ang buhok at maluwag na pantulog.'' Na bilaukan naman ako sa tubig na iniinom ko dahil sa sinabi ni Jason dahilan para malakas na tumawa s'ya tinignan ko naman s'ya ng masama kahit nahihiya na ako.




Sigurado nga na magulo ang buhok ko dahil kinakamot ko pa 'yon kaninang lumapit ako kay Elizabeth at mas komportable akong matulog ng maluwang ang suot na pantulog.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon