CH - 19

4.9K 115 109
                                    

--------------

Thea's POV


Dahan-dahan kong minulat ang dalawang mata ko. Agad na sumalubong saakin ang sinag ng araw na nag gagaling sa bintana napa kunot noo naman ako ng hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi pamiliyar ang lugar saakin.



Nang maramdaman kong may gumalaw sa likuran ko ay lumingon ako doon ko lang naalala kung ano ang nangyari kagabi at bakit nandito ako. Pinag masdan ko ang maamong mukha ni Monte na natutulog wala s'yang suot na salamin.




Pero ano kaya ang mukha n'ya kapag gising at walang salamin? Nah. Pag titiisan ko munang pagnasaan ang naka pikit n'yang mata hindi naman ako aarte pa ngayon ko lang nakita na wala s'yang salamin.




Halata na 'din naman na gwapo s'ya kahit naka salamin pero mas naniniwala na ako ngayon kahit na hindi pa naman n'ya binubukas ang dalawang mata n'ya.





Hindi ko naman napigilan na haplusin ang maamong mukha n'ya gamit ang hintuturo ko. Habang pinag mamasdan ko ang mukha n'ya ay idinadaan ko naman ang hintuturo ko doon. May kakapalan pala ang mata n'ya.





Hindi naman ganoong katangos ang ilong n'ya pero mas bumagay sa kanya 'yon lalo na sa labi n'ya na parang pang babae dahil sa sobrang lambot. Nang ibalik ko ang tingin ko sa mata ni Jason ay nanglaki ang mata ko paano ay naka bukas na ang isang mata n'ya habang naka tingin saakin.





Mabilis na inalis ko ang hintuturo ko sa labi n'ya at tumalikod nararamdaman ko naman ang pag bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Siguro ay iniisip n'ya na manyak ako dahil hinahawakan ko ang labi n'ya.





Naramdaman ko naman na gumalaw na si Monte. ''Gising kana pala. Gutom kana ba? Kukuha muna ako ng makakain sa baba.'' Pag kasabi n'ya non ay narinig ko ang pag bukas at sara ng pinto napa sabunot naman ako sa buhok ko.




''Ano naman nangyayari saakin? Wala naman masama hinawakan ko lang naman ang mukha n'ya hindi naman big deal sa kanya pero bakit big deal saakin 'yon? Bakit?!'' malakas na hiyaw ko.




Naiinis na umupo ako at sumandal sa may headboard habang naka halukikip. ''Saglit lang hindi man s'ya nag isip ng kakaiba? Ibig sabihin wala lang sa kanya 'yon?'' nanglaki ang mata ko ng ma-realize ko 'yon. ''Ibig sabihin wala lang sa kanya ang isang katulad ko? Ako si Princess Thea tapos wala lang sa kanya?!''

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon