CHAPTER 22

222 5 4
                                    

Ramdam kong galit na galit si tita saakin pero tinanong ko parin siya "si barbs po??" "nagpapahinga sa kwarto niya. Ok na wag ka nang magpaalam cge alis ka na" sagot ni tita na batid kong galit na galit saakin. Inalalayan na ako ni kris palabas ng bahay at sumakay kami sa kotse niya. "rick sa kotse ko na tayo sumakay ha? Pasundo mo na lang sa driver nyo yung kotse mo" "cge" matipid kong sagot. .Ang tahimik ko sa kotse at di nagsasalita. Wala akong kamalay malay na nakarating na pala kami ng bahay dahil lumilipad ang isip ko. "rick andito na tayo" sambit ni kris. Walang imik akong bumaba sa kotse niya at dirediretcho sa kwarto ko. Nasalubong ko si mommy ngunit di ko rin siya pinansin. "Ano ? Nagkaayos na ba kayo ni barbs?" Tanong niya pero di ko siya sinagot. Nagmukmok ako sa kwarto at nagisip ng mabuti. Nagtatalo sa utak ko ang salitang "aalis ba talaga ako?" o mananatili ako dito?" biglang nanlabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na isiping , sobrang lalim ng sugat na iiwan ko kay barbs. Di ko magawang magisip ng tama bagkos ay tuluyan akong nawala sa sarili nung nakita yung picture ni barbs sa may side table ng kama ko. .isang babaeng nasaktan ko ng sobra na, sa picture ay masaya. Pero sa likod nito ay nagdurugo ang puso niya at nalulungkot ng sobra. Binasag ko lahat ng pwedeng basagin. Ung vase, figurines at halos lahat ng pwedeng basagin. Pati yung unan hinampas hampas ko hanggang sa masira at sinuntok ng ilang beses ang pader. Narinig kong nagpapanic na sila mommy at daddy "rick anak anong ngangyayari sa'yo diyan?" tanong ni mommy ngunit di ko pa rin sila pinapansin. "yaya yung susi kunin mo" sambit naman ni dad. Nakalock ang pinto sa kwarto ko dahil ayokong makita nila ang ginagawa ko. Sobrang dumudugo na ang kamay ko pero di ko nararamdaman ang sakit. Tama sila. Mas masakit ang epekto ng sugat sa puso kesa sa sugat na totoong nagdurugo. Sumigaw ako at umiyak na parang bata. . . . . "eto ba ang gusto mong gawin sa buhay mo rick?" tanong ni dad "rick may anak ka na. Dapat yun ang isipin mo. Natural magagalit si barbs. Nasaktan yun e. Rick kung gusto mong mapatawad ka niya, magtino ka. Ayusin mo yung sarili mo. Magabroad ka. Diba gagraduate ka na? Plano mo yun diba? Isipin mo yung anak mo. Pabayaan mong makapagisip si barbs. Hantayin mo yung oras na handa na siyang patawarin ka. Mahabang sermon ni dad matagal kong pinagisipan kung gagawin ko ba yung sinabi niya o hindi ? , pero tama nga siya papabayaan ko muna si barbs at hahayaan ko siyang makapagisip. Pagkatapos ng gabing iyon ay sinabi ko kay dad na ibook ako ng ticket papuntang AUSTRIA. . . . .

UMIIYAK ANG AKING PUSONG NAGDURUSA

NGUNIT AYOKONG MAY MAKAKITA

KAHIT ANONG SAKIT ANG AKING MARANASAN

YAN AY AYOKONG KANYANG MALAMAN

MGA ARAW NA NAGDAAN

KAILAN MAY HINDI MALILIMUTAN

KAY TAMIS NG ARAW NG PAGMAMAHALAN

ANG AKALA KO'Y WALANG HANGGANAN

ANG PAGIBIG KONG ITO

LUHA ANG TANGING NAKAMIT BUHAT SA'YO

KAYAT SA MAY KAPAL

TWINAY DALANGIN KO

SANAY KAPALARAN KO AY MAGBAGO

end of Flashback

mamaya na ang graduation. Kinakabahan ako at nalulungkot dahil wala ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Kukunin ang deploma na di nakikita ng mahal ko. Di ako sanay. Sa tuwing may kaba sa dibdib ko, nandiyan ang taong mahal ko. Pilit na pinapagaan ang loob ko at patuloy sa pagsuporta saakin upang mawala ang kaba ko . Suot suot ko yung handband na bigay ni barbs. Iyon ang naging sandigan ko sa pagharap ng pangyayaring ito. At iniisip na, nandito lang si barbs at pinapanuod ako. Sa marching , ay kasama ko sina mom at dad. Proud na proud sila dahil gagraduate ako nang SUMACUMLAUDE big achievement iyon para saakin. Big achievements dahil, sa unang pagkakataon, kasama ko sila mom at dad. Pero naiyak ako dahil yung naging inspirasyon ko para makuha ito ay wala sa tabi ko at di kasamang kunin ang parangal na nakamit ko. Naiyak si mama dahil sa tuwa at ako naman ay biglang naluha dahil iniisip ko si barbs.

.

"madami nang nangyari, madami ding nagbago. Ngayon haharap ako sa panibagong pagsubok. Pagsubok na kasama ang anak ko, na baon ang karanasang minahal ko. Mga problema at mga pagbabago, marahil hindi ako sanay pero pagsisikapan ko. Nawala saakin ang pinakaimportanteng parangal na natanggap ko. Pero handa akong gumawa ng panibagong karanasan at ng mapapabago sa pananaw ko. Dati di ko iniisip at pinapansin ang pagkakamali ko pero ngayong wala na siya sa buhay ko, di ko maitatangging mahina ako. " katagang nasabi ko sa speech ko at nagpabagsak ng tuluyan sa mga luha ko "nakikita ko si barbs, tuwang tuwa at pinapalakpakan ako" yan ang pilit kong nireregester sa utak ko para magawa ng tama ang dapat. Ng matapos ang graduation ceremony ay mayroong agad na lumapit saaking babae. "rick, angsama mong tao. Walang kamalaymalay yung bestfriend ko na pinaglalaruan mo lang pala siya. Walang kamalay malay ang bestfriend ko na, papaasahin mo lang pala siya. Anong klaseng tao ka rick?"

--

so how was it? ? Thanks new readers.

Pain Of Love (DerBie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon