CHAPTER 24

219 6 9
                                    

Continuation..

Pinagiisipan kong Pumunta kila barbs para iparating ang nalaman ko. Pero natandaan ko naman yung sinabi ni lexi na siya na lang ang magsasabi. Bukas na ang alis ni rick at si barbs, wala atang balak na pigilan siya. Disidido na si rick at konti na lang din ang oras para magpaliwanag si lexi. Sana masabi niya bago makaalis ng tuluyan si rick.. Kinabukasan ay tineks ko si lexi. "ano lexi, nasabi mo na ba kay rick?" tanong ko pero wala akong natanggap na reply sakanya. Sobrang naginit ang ulo ko at dalidali akong pumunta sa bahay nila barbs..

RICK's Pov

nang matapos ang graduation ay may lumapit saaking isang babae. "RICK ANGSAMA MONG TAO. WALANG KAMALAYMALAY ANG BESTFRIEND KO NA, PINAGLARUAN MO LANG PALA SIYA. WALANG KAMALAY MALAY ANG BESTFRIEND KO NA, PAPAASAIN MO LANG PALA SIYA. ANONG KLASENG TAO KA RICK?" Bungad na sambit niya. "JOYCE, I'M SORRY...DI KO SINASADYANG MANGYARI IYON" sagot ko. Opo si joyce yung babae at galit na galit siya saakin. "HINDI SINASADYA? SAGOT BA YAN NG MATINONG TAO? DI SINASADYA?" Sagot niya. "JOYCE, DI KO GINUSTONG MANGYARI TO" sambit ko ngunit sinagot niya ulit ako ng "DAHIL ANG GINUSTO MO, AY ANG SAKTAN ANG BESTFRIEND KO GANUN BA?" Tanong niya at sinundan pa niya ito ng "HINDI MO GINUSTONG MANGYARI PERO BINALAK MO?" masakit para saakin ma marinig ang salitang iyon pero, anu ba ang karapatan kong magobject e ako naman talaga ang may kasalanan. "JOYCE HINDI SA GANOON. WALA KAMI NI LEXI SA TAMANG KATINUAN NG MANGYARI IYON" sagot ko "AT TINGIN MO NAGTINO KA NA? RICK NAKITA MO BA YUNG BESTFRIEND KO na IYAK NG IYAK DAHIL SA GINAWA MO?" sambit ni joyce "OO NAKITA KO AT NAGSISISI AKO DAHIL SA GINAWA KO" sagot ko. "TEKA, NASAAN BA YANG LEXI NA YAN?" tanong ni joyce at sinagot ko naman siya ng "HINDI KASALANAN NI LEXI ANG NANGYARI. KASALANAN KO" pagtatanggol ko kay lexi "PERO PUMAYAG SIYANG MABUNTIS? ANU YON ONCE IN A BLUEMOON DREAM NA GRAB NA LANG DAHIL FIRST TIME?" sarkastiko niyang sagot. Sa totoo lang, napaisip din ako sa sinabi ni joyce. Natigilan nalang ako at napayuko. Napansin kong umiiyak na si joyce at habang humihikbi, "RICK ASSURED KA BA NA MAY ANAK KA NA? MAY PATUNAY BA?" mahinahon niyang tanong. Bigla na lang din tumulo ang luha ko sa pagsagot ng tanong niyang iyon. "WALA. TINGIN KO TOTOO YUNG SINASABI NIYA AT NANINIWALA AKO DOON" sagot ko kay joyce. Napailing na lang din siya at tuluyang tumakbo papalayo saakin. Nag-isip ako ng mabuti sa sinabi ni joyce. Wala ngang patunay na anak ko nga si JV at wala din akong assurance na may nangyari.. Sa paguwi ko ng bahay ay may maliit na handaan na inihanda sila manang josie. Maliit na salo-salo lang ang hiniling ko kila mom at dad . para saan pa kasi ang malaki at magastos na handaan kung pagkatapos naman noon ay kalungkutan ang tatakip sa ganung kasiyahan. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagsimulang magempake ng mga gamit na dadalhin ko.mga damit, jacket, twalya, at kung anuanu pa ang siniksik ko sa maleta ko. Nakita ko yung picture ni barbs sa may side table ng kama ko. Tinitigan ko iyon ng sobrang tagal at muling pumatak ang luha ko. "i'm sorry barbs dahil iiwanan kitang may dinaramdam na hapdi sa puso mo. I'm sorry dahil iiwanan kitang may masamang marka sa isip mo. . ." Naisipan kong magpaalam kay barbs . . . Pumunta ako sakanila kahit alam kong wala ring mangyayari. . Nagtiwala lang ako sa paniniwala ko at gaya ng dati. . Sa harap lang ako ng bahay nila hawak ang mga bulaklak na dala ko para sana sakanya. Nandun lang ako sa labas at umaasang lalabasin ako ni barbs. Napansin kong dumungaw siya sa bintana at ramdam ko nakita niya ako. . Masayang masaya ako dahil nakita ko ulit ang magandang mukha niya kahit sa malayo. Nakatingin siya saakin at kahit malayo siya ay nakikita ko siyang umiiyak. Naghantay ako ng magdamag at umaasang lalabas siya pero 3hours na kong naghihintay at Nakatayo sa harap ng bahay nila. Napagisip kong umuwi na lang at iniwan ko yung mga bulaklak sa may basurahan. Well gaya ng dati umuwi akong luhaan haha. 12am na nung umuwi ako di kasi ako pwedeng manatili dun hanggang umaga. 12AM ang flight ko at kailangan 9am nasa airport na ako. Susulitin ko nalang siguro yung oras ko na natitira kasama ang pamilya ko. Inisip kong iteks si barbs ngunit di rin siya nagreply. Gusto ko sanang sabihin sakanyang magingat siya palagi pero wala e. "HI BARBS, AALIS NA AKO BUKAS. WAG MUNG PAPABAYAAN ANG SARILI MO HA?" ang text msg na pinadala ko sakanya. Di ko na siya kinulit pagkatapos nun. Natulog kami siguro mga 2AM na yun. Di ako mapakali. Di rin makatulog anu ba tong feeling na to. 1oras ko din hinanap ang antok ko at 3am na nga ako nakaidlip . Sa paggising ko, mukha ulit ni barbs ang nakita ko. Pagharap ko kasi sa may side table, nandun parin yung picture niya. 7am na yun at naghanda na ako para makaalis. Pagklbas ng kwarto, reading ready na ko bitbit ang malaking maleta, niyakap ako nila m0m at dad. At pati si jv. "Ingat" naman ang pabaon ni lexi saakin.

-

nakakaiyak b talaga?

Pain Of Love (DerBie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon