CHAPTER 3

1.7M 34.8K 8.4K
                                    

CHAPTER 3

PAULIT-ULIT na tsini-check ni Annette ang address ni Cali na nasa calling card habang sakay sa elevator patungo sa pinakamataas na floor ng Buena Building. Kung tama ang pagkakaintindi niya sa calling card na nasa kamay niya, nasa pinakatuktok ang penthouse ng lalaki.

Humugot siya ng malalim at inayos ang damit na suot. Kailangang presentable siya sa harap ni Cali. Magiging PA siya nito kaya kailangang malinis siya para hindi magbago ang isip nito sa pagbibigay sa kanya ng trabaho.

"Gagalingan ko," sabi niya sa sarili.

Bumukas ang elevator sa destinasyon niya kaya lumabas na si Annette. Siguradong hindi siya mawawala dahil isang pinto lang naman ang naroon sa palapag na 'yon at may nakasulat pang Sudalga.

Kumatok siya sa pinto. Ilang segundo lang ang hinintay niya, bumukas iyon at sumalubong sa kanya ang hubad-barong si Cali. Naka-jeans lang ito habang tinutuyo ang basang buhok.

Bahagyang nakaawang ang mga labi niya nang bumaba ang mga mata niya sa tiyan nito. Parang may paruparo sa tiyan niya na nagliparan nang makita ang abs nito. Iba rin ang epekto sa kanya ng bagong-ligo nitong amoy. Parang may kinikikiti iyon sa kaibuturan niya. At dahil abala ito sa pagtutuyo ng buhok, malayang napagnanasaan niya ang matitipuno nitong dibdib pababa sa abs nitong nakakapaglaway.

Tumikhim siya. "Good morning."

Napatigil ang lalaki sa ginagawa, saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Annette. Come in." Halata ang gulat sa mukha nito, saka isinampay ang tuwalya paikot sa leeg. "Ang aga mo, ah."

Ngumiti siya. "Baka kasi magbago ang isip mo kapag na-late ako."

Tumango lang ito, saka humakbang paatras para makapasok siya sa penthouse nito.

"Nice house," komento niya nang makita ang kabuuan ng sala.

"Thanks." Walang emosyon ang boses ng lalaki. "Anyway, may damit ka bang dala?"

Ipinakita niya ang backpack na nakasukbit sa balikat niya. "For the whole week ang dala kong damit, excluding Saturday and Sunday."

"Good." Itinuro ni Cali ang pinto malapit sa daan patungong kusina. "That would be your room and mine is upstairs. Kung may kailangan ka at nasa 'taas ako, use the intercom." Itinuro nito ang intercom na nasa gilid ng pinto papasok sa kusina. "At kung may kailangan ka sa 'taas at wala ako rito, don't you dare go up or I will fire you."

Mabilis siyang tumango. "Yes, Sir."

Itinuro nito ang pinto ng kusina. "That's the kitchen. Kompleto 'yan sa gamit at pagkain. Nasa kanang bahagi ng pinto ang laundry room at nasa kaliwang bahagi naman ang pinto ang common comfort room. Walang TV sa kuwarto mo kaya kung gusto mong manood, dito na lang sa sala."

Mabilis siyang tumango. "Copy, Sir."

Mataman siya nitong tinitigan, kapagkuwan ay napabuntong-hininga. "You're my PA slash katulong dito sa bahay. Kailangan ko lang ng PA para sa mga out of the country trip, kaya most of the time katulong ka rito sa bahay. Understood?"

"Yes, Sir."

Naglakad si Cali patungo sa hagdan pataas. "And don't call me Sir, call me Cali," pahabol nitong sabi habang umaakyat ng hagdan.

"Yes, Si— Cali." Napakagat-labi si Annette nang mawala si Cali sa paningin niya.

Cali. His name felt familiar on her lips. Parang ilang ulit na niyang sinambit iyon, hindi lang niya maalala kung saan at kailan.

Marahas niyang ipinilig ang ulo, saka huminga nang malalim. Nandito siya para magtrabaho hindi para mag-isip ng kung ano-ano. Kaya naman inumpisahan na niya ang pagiging PA slash katulong ni Cali Sudalga.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon