EPILOGUE

2.6M 52K 17.7K
                                    

EPILOGUE

"FIVE YEARS before, I never think that I would be this happy," wika ni Iuhence habang nakaupo sa recliner at nakatingin sa mga anak nilang naglalaro sa kalsada. "I mean, look at us—happy as fuck."

Napangiti si Cali at sumagot. "Oo nga. Noon, ayaw nating magpakasal. Sino'ng mag-aakala na mababaliw tayo sa mga asawa natin at tayo pa ang gustong magpakasal sa kanila?"

"The world is really a messed-up place," sabad ni Ymar.

"Yeah," sang-ayon ni Calyx habang nakatingin sa triplets nitong anak na naghahabulan. "I'm contented."

"Yeah," sabay-sabay nilang sagot.

Magkakatabi ang recliner na kinauupuan nila sa gilid ng kalsada habang nagbabantay sila sa mga anak nilang naglalaro. Si Tyron ang nasa kabilang dulo, sumunod sina Iuhence, Train, Lander, Calyx, Dark, Ymar, Shun, Lash, Lath, Valerian at siya ang nasa pinakadulo.

Ang mga asawa nila ay nag-girl bonding at iniwan silang bantay ng mga anak nila. Wala namang sasakyang dumadaan kaya ligtas ang mga bata. Syempre, hindi hahayaan ni Cali na mapahamak ang nag-iisa niyang unica hija na si Divine Miracle na apat na taong gulang na.

"Levin! Drop the mud!" malakas na sabi ni Lander sa anak nito na nakikipaglaro sa anak ni Ymar. "It's dirty."

Dinilaan lang ni Levin si Lander, saka nagpatuloy sa pakikipaglaro.

Napailing-iling na lang si Lander. "That kid never listens to me."

"Masyado mo kasing ini-spoil," sabad ni Tyron na ang recliner na kinauupuan ay katabi ni Iuhence.

"Says the man who give everything to his son," Lath interjected.

"Of course. Kaya ko namang ibigay lahat," depensa ni Tyron sa sarili.

"Kaya ikaw, Wolkzbin, magpayaman ka pa," sabi ni Iuhence.

Kumunot naman ang noo ni Train. "At bakit naman nasali 'yan sa usapan?"

"Aba, nakakalimutan mo na ba ang ginawa niyang anak mo sa anak ko?" Pinukol ng masamang tingin ni Iuhence si Train. "He kissed my little princess and your son will pay for it. Pakakasalan niya ang anak ko."

Train sighed. "Huwag mo ngang gawing bid deal 'yon—"

"It's a big deal," sabad ni Dark na masama ang tingin kay Train. "Wala ka kasing anak na babae kaya hindi ka maka-relate. Try making a baby girl and you'll understand us."

"Yeah. I'm possessive with my Miracle too," sabi niya. "Kapag may nanakit sa kanya o mag-take advantage, pasensiyahan tayo. Kahit anak n'yo pa 'yon, tatamaan siya sa 'kin."

Nag-thumbs-up si Iuhence kay Dark at sa kanya. "True. Listen to Greek and Cali Drinks, Train. Be considerate."

Ymar rolled his eyes. "Let's just drink."

Itinaas ni Valerian ang water bottle na pambata ang disenyo at tubig ang laman. "Cheers to us dads."

Itinaas nina Lath at Lash ang water bottle ng mga anak nito na may disenyong Mickey Mouse. "Cheers."

"Cheers," natatawang sabi nila habang sabay-sabay na nakataas ang mga water bottle ng mga anak nila at sabay-sabay silang uminom ng tubig.

Malakas silang nagtawanan nang makitang iniluwa ni Shun ang ininom mula sa water bottle.

"Fuck." Shun cussed. "It's a fucking milk!"

Nagtawanan sila uli pero agad ding natigilan nang makitang nakatingin sa kanila ang anak niyang si Miracle.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon