CHAPTER 18

1.8M 34.7K 6K
                                    

CHAPTER 18

HINDI napigilan ni Cali ang ngiting kumawala sa mga labi niya habang nakatingin sa papalayong likod ni Annette. Mukhang nakakaalala na nga ito. Ang Annette kasing nakilala niya na walang maalala ay parang mahiyain at hindi sigurado sa sarili. So opposite from his feisty wife.

Sinundan niya ito sa kusina habang dala pa rin ang bote ng rum na nangangalahati na ang laman. He could feel his head spinning but he didn't give a shit about that. Gusto niyang makausap ang asawa niya.

"Hey," sabi niya, saka umupo sa katabing silya ng island counter.

Hindi siya pinansin ni Annette at inaasahan na niya iyon.

"Talk to me, please," he pleaded.

Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paghiwa ng karne. Wala silang katulong dahil ayaw noon ni Annette. Kaya naman daw nito ang mga gawaing bahay kaya nakasanayan na niyang walang katulong sa bahay nila. Kahit nang umalis ito ay hindi siya kumuha ng katulong.

"Annette," masuyo niyang tawag sa pangalan nito. "Please, talk to me."

Tumigil ito sa paghiwa ng karne, saka nakapamaywang na humarap sa kanya. "May kailangan ka? May sasabihin kang importante?"

"I want you."

Sarkastiko itong ngumiti. "Ako ba talaga pinaglololoko mo? Gago. Doon ka kay Khatya. Mukhang more than willing naman siyang makipag-sex sa 'yo."

Nagdilim ang mukha niya kasabay ng pagkirot ng puso niya. "Ipinamimigay mo ako?"

Tumaas ang kilay nito. "O, bakit? Don't tell me na sa dalawang taong wala ako ay celibate ka?"

Tumango siya. "I am." Tumingin siya sa mga mata nito para makita nito ang sinseridad niya. "Ikaw lang talaga kahit pa nga iniwan mo ako para ibang lalaki."

May nabanaag siyang emosyon sa mukha nito bago siya inungusan. "Hindi ako naniniwala sa 'yo."

"Ask my friends."

"Bakit? Twenty-four-seven ba silang nakabantay sa 'yo?" sarkastiko nitong tanong. "Puwede ba, Cali, spare me with your bullshit."

"Eh, sa wala nga," naiinis na sabi niya. Bakit ba ayaw nitong maniwala? "Ikaw lang talaga."

"Hindi ako naniniwala."

"Oo nga," pamimilit niya para maniwala ito. "Wala talaga. Ikaw lang. Promise, cross my heart and hope to die."

Inirapan siya nito. "Hindi ako naniniwala."

Cali groaned in annoyance. "Basta malinis ang konsiyensiya ko na wala akong ibang babae habang wala ka. I'd been a good husband while you were gone."

"Good husband," she snorted and looked at him funny. "Really?"

Napabuntong-hininga si Cali. "Bakit hindi ka naniniwala sa 'kin?"

Inirapan lang siya ni Annette, saka hindi siya pinansin. Siya naman ay nanatiling nakamasid dito habang nagluluto ito ng ulam at nagsasaing.

They were both silent for a long time. Walang nagsasalita sa kanila at nararamdaman niyang pinapakiramdaman nila ang isa't isa.

Nang matapos magluto si Annette, sumandok ito ng kanin, kumuha ng ulam, saka iniwan siya sa kusina. Napakurap-kurap siya sa papalayo nitong likod.

That was rude.

Naiiritang sinundan niya ang asawa patungo sa guestroom.

"Ano ba ang kailangan mo?" mataray nitong tanong nang makapasok siya sa kuwarto nito.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon