CHAPTER 8

1.7M 34.1K 7.9K
                                    

CHAPTER 8

NAGISING si Annette na masakit ang ulo. Nang bumangon siya at umalis sa kama, mas sumakit ang ulo niya sa kakaisip kung bakit wala siyang saplot ni isa. Matiim niyang pinakatitigan ang kama hanggang sa unti-unting bumalik sa isipan niya ang memorya ng pagtatalik nila ni Cali kagabi.

Nag-init ang pisngi niya, saka napayakap sa hubad na katawan. "Oh, my God!" Napakagat-labi siya. "Shit. Nakakahiya!"

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pag-inom ng alak kagabi. Kung nasa tamang huwisyo lang siya, siguradong hindi niya magagawa 'yon. Siguradong mapipigilan niya ang sarili na gawin ang kagagahang pinaggagagawa niya kagabi.

And as she stood there, hugging her naked body, she remembered every detail of their love making.

"Oh, God..." Itinakip niya ang dalawang palad sa mukha dahil nag-iinit iyon pati tainga niya. "Ano ba itong ginawa ko?"

Bumaba ang tingin niya sa kanyang hubad na katawan at nagmamadaling tumakbo patungong banyo para maligo. It was weird and all but she could still feel Cali's touch, the way he caressed her. At kahit memorya lang 'yon, nararamdaman niyang may kakaibang hatid iyon na init sa katawan niya.

"Oh, God," sambit niya habang nasa ilalim ng malamig na shower. "Ano'ng mukhang ihaharap ko ngayon sa kanya?"

Hanggang sa matapos siyang maligo at makapagbihis, 'yon pa rin ang nasa isip niya. Kaya naman nang lumabas siya sa kanyang kuwarto, dahan-dahan ang ginawa niyang hakbang para hindi marinig ang mga yabag niya.

Nakahinga si Annette nang maluwang nang nasa sala na siya at walang Cali siyang makita. Baka pumasok na ito sa opisina. Tama! Mukhang lampas alas-otso na nang umaga. Salamat naman at—

"Why are you tip-toeing?"

Natulos siya sa kinatatayuan kasabay ng pagdagundong ng tibok ng puso niya. Oh, hell! He was still here! Itinikom niya ang nakaawang na mga labi dahil sa gulat, saka pilit na pinapakalma ang puso niyang ang bilis ng tibok.

"Annette, humarap ka sa 'kin? Bakit ba naestatwa ka diyan?"

Napalunok siya. "Ahm, ano kasi, ahm..." Hindi niya alam ang sasabihin. "Ahm, ano, ahm—"

"Humarap ka sa 'kin," ulit nito.

Kinakabahan at nahihiyang humarap siya sa lalaki. Ni hindi nga niya ito matingnan sa mga mata dahil sa hiyang nararamdaman. She could still remember how wild she was while he was licking— oh, God, Annette, don't go there!

"Look at me," utos nito.

Kagat-kagat ang labing pinilit niya ang sarili na mag-angat ng tingin kay Cali. Parang may pumana sa puso niya nang makita ang hitsura nito. He just finished bathing. He looked fresh and hot and so handsome. Medyo basa pa kasi ang buhok nito at naamoy niya ang panlalaki nitong sabon at shampoo.

Oh, God! Temptation! Stay away from me!

"Annette," tawag nito sa pangalan niya.

Napakurap-kurap siya, saka wala sa sariling napatitig sa mga mata nito. "Ha?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Cali, saka humakbang palapit sa kanya. Tumigil lang ito nang ilang dangkal na lang ang layo sa kanya. "Pakiayos ang necktie ko," wika nito na ikinagulat niya.

She blinked again. "Ha?"

"Ayusin mo ang necktie ko," ulit nito.

Bumaba ang mga mata niya sa necktie ito na nakapalibot lang sa leeg nito pero hindi pa naayos.

"Go on. Fix my necktie," he urged.

Nanlalamig na umangat ang mga kamay ni Annette, saka hinawakan ang bawat dulo ng necktie at inayos yon. Her eyes were trained on his necktie. She couldn't look him in the eyes without remembering what happened to them on the sofa and on her bed.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon