CHAPTER 11

1.6M 34.9K 7.4K
                                    

CHAPTER 11

"ARE YOU okay?"

Ikatlong beses na iyong tanong ni Cali mula nang makapasok sila sa penthouse nito. Kanina pa ito tanong nang tanong at palagi naman niya ito tinatanong ng okay.

"Okay lang ako," sagot ni Annette, saka umupo sa mahabang sofa.

Tumabi ng upo sa kanya si Cali at hinawi ang buhok na nakatabing sa pisngi niya. "May gusto ka bang kainin?"

Umiling siya. "Wala."

Ang gusto lang niya sa mga sandaling iyon ay maalala ang mga nakalimutan niyang memorya. Pero natatakot siya na kapag pilitin niya ay sasakit naman ang ulo niya.

"You look pale," pansin na naman nito sa kanya. "Are you really okay?"

Tumango siya, saka umalis sa sofa at walang imik na nagtungo sa kuwarto niya. Hindi niya namalayang sinundan pala siya ni Cali kung hindi pa ito nagsalita sa likuran niya.

"You don't look okay to me, Annette."

"I'm fine," sabi niya, saka nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata. "Magpapahinga lang ako."

Nagapasalamat siya na hinayaan na lang siya ni Cali na magpahinga. Nang marinig niyang sumara ang pinto ng kuwarto, nakahinga siya nang maluwang at iminulat ang mga mata. Cali was nowhere to be seen. Mukhang hinayaan siya nito talaga.

Bumangon siya sa kama, saka pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis siya gamit ang mga damit na binili ni Cali para sa kanya. Then she blow-dried her hair.

Habang bino-blow dry niya ang buhok, nakatingin siya sa sarili niya sa salamin. She could still picture those flashes memories of Cali and a woman named Khatya. Napakalinaw niyon sa isip niya pero hindi naman niya alam kung bakit magkausap ang dalawa sa alaala niya.

At ang gumugulo sa isip niya ay kung bakit nasasaktan siya sa memoryang yon. She could feel her heart ached at that memory. Ano ang mayroon sa memoryang 'yon at nasasaktan siya?

Tinapos niya ang pag-blow dry sa buhok niya, saka nahiga uli sa kama at tumitig sa kisame. Those blurred flashes of memory still lingered in her mind.

"Please... let me remember..." pakiusap niya sa kawalan, saka ipinikit ang mga mata.

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya kung hindi siya nagising sa mahinang pagyugyog sa kanyang balikat.

"Annette? Annette?"

Nagmulat siya ng mga mata, saka parang nahimasmasan nang makita ang napakalapit na mukha ni Cali sa kanya.

"Hmm?" she asked.

"Ah, pupunta kasi ako sa grocery. I was just wondering kung gusto mong sumama. Ayaw kasi kitang iwan dahil nag-aalala ako sa kalagayan mo."

"Ah. Sige, ssaama ako," sabi niya, saka bumangon.

Hindi nakapalag si Annette nang pinagsalikop ni Cali ang kamay nilang dalawa at masuyo siyang iginiya palabas ng penthouse. Habang pababa sila sakay ng elevator, nagulat na lang siya bigla nang sakupin ni Cali ng mapusok na halik ang mga labi niya.

"Uhmp!" daing niya nang isandal nito ang likod niya sa metal na dingding ng elevator, saka ipinasok ang dila sa loob ng kanyang bibig.

Buong puso naman niyang tinugon ang halik ng lalaki. Yumakap ang isa niyang braso aa leeg ni Cali at tumingkayad siya para ipasok din ang dila niya sa loob ng bibig nito.

They kissed each other senseless. They kiseds passionately. And they kissed like they were hungry for each other.

Nang pakawalan ni Cali ang mga labi niya, tumiim ang tingin nito sa kanya. "I miss you," he whispered as he caressesed her face.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon