CHAPTER 13

1.5M 32.7K 5.5K
                                    

CHAPTER 13

HINDI TULAD ng mga nagdaang araw, hindi isinama ni Cali si Annette sa opisina nito. Sabi ng lalaki ay magpahinga raw siya sa araw na 'yon. At dahil tinatamad din naman, pumayag siya.

Pero nagsisi din naman agad siya nang makaalis ito at nabagot siya kaya naman naglinis na lang siya ng buong penthouse. Mula kusina hanggang sa sala.

Hanggang sa tumama ang vacuum cleaner na hawak niya sa hagdan patungo sa 'taas, sa kuwarto ni Cali.

Out of curiosity, dahan-dahang umakyat si Annette sa hagdan patungo sa 'taas, saka inilibot ang tingin. Nang walang makita kundi paintings at furniture, nilapitan niya ang isang sliding door, saka binuksan yon.

"Wow..." humahanga niyang sambit nang makita ang medyo may kaliitang swimming pool pero napakaganda naman sa paningin niya. "Ang ganda naman pala rito," sambit niya.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo kay Cali. Oo nga at close silang dalawa, oo at palagi silang nagtatalik, oo, palagi silang magkasama, pero never pa siya nitong inaya patungo doon sa 'taas.

Huminga si Annette nang malalim, saka isinarang muli ang sliding door at ang isang pinto naman ang nilapitan at binuksan.

Nang pihitin niya pabukas ang pinto, natuwa siya nang hindi iyon naka-lock. Itinulak niya pabukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang mabangong pabango ni Cali.

Cali's room.

Umiilaw sa isip niya ang babala ni Cali sa kanya noong unang dating pa lang niya roon pero ipinagsawalang-bahala niya 'yon. Siguro naman sapat na ang pinagsamahan nila para hayaan siya nitong sawayin ang ipinagbabawal nito. Pumasok siya sa loob ng kuwarto at inilibot ang tingin.

Bed. Closet. Mirror. And a bathroom. That was it. That was all. Walang laman ang kuwarto na 'yon bukod sa mga normal na kagamitan ng isang kuwarto. Para iyong kuwarto ng bagong lipat pa lang.

Nagpakawala si Annette ng malalim na hininga, saka lumabas ng kuwarto. Nagmamadali siyang bumaba sa sala at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ayaw niyang maabutan siya ni Cali.

Hindi pa siya natatapos mag-vacuum nang may kumatok sa pinto. Sa isiping baka si Cali 'yon, mabilis niyang binuksan ang pinto pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Khatya.

She would never forget her face.

Tumaas ang kilay nito nang makita siya. "Oh. So, the bitch is here again." Tumalim ang mga mata nito. "Akala ko patay ka na at inuuod na ang katawan mo sa lupa, 'tapos buhay ka pa pala. Ano? Aagawin mo na naman sa 'kin si Cali ko?"

Hindi umimik si Annette. Ayaw niyang patulan ang babae. Pero mukhang balak talaga nitong pakuluin ang dugo niya dahil nagsalita uli ito.

"Pero wala pa rin palang nagbago sa 'yo, tanga ka pa rin." Malademonyita itong ngumisi. "Harap-harapan ka na ngang niloloko, hindi mo pa napapansin."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi niya napigilan ang sariling magtanong.

Namaywang si Khatya at parang nanunuyang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Itong penthouse na 'to, hindi ito pag-aari ni Cali, pag-aari ito ng kaibigan niya. Ang totoong bahay ni Cali ay nandoon sa isang subdivision at hindi ka welcome do'n." She smirked at her again. "Ang tanga mo naman. Hindi mo man lang nahalata? Oh, well. Ang tanga, forever nang tanga."

Humigpit ang hawak niya sa hamba ng pinto, saka malamig ang mga matang tiningnan ang babae. "Ano ba ang kailangan mo sa 'kin? Bakit narito ka?"

"Oh, nothing much." Maarte nitong tiningnan ang mga kuko bago nagsalita. "Nandito lang ako para sabihin sa 'yong sa 'kin si Cali. At hinding-hindi ako papayag na maagaw mo siya sa 'kin. At huwag kang magmalaki kung ikaw ang kasama niya ngayon. You're just a toy to him, someone he wants to play with." Pagkasabi n'on ay umalis na ito.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon