2: Tickler

8.7K 137 33
                                    

Kahit gaano pa subukan ng araw habulin ang buwan at ng buwan ang araw, hindi sila nagtatagpo. Binabawalan sila ng realidad, ng kalikasan, ng mundo, dahil sa takot na baka pag sila’y nagkita, matatapos na ang lahat ng kinagisnan.

Para tayong araw at buwan..

11 am. Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng cap at shades sa coffee shop. Binati siya ng guard pero hindi niya ito pinansin. Umorder na siya ng usual niyang binibili dito at nang makuha ang inumin at makakain ay nag-dirediretso siya sa mesa na nasa pinakalikod ng shop.

Halos araw-araw siyang pumupunta dito kaya alam narin ng mga barista ang isusulat na pangalan sa cup niya, ngunit dahil sa pagiging tahimik at mapag-isa niyang ugali, hindi niya kinakaibigan ang mga ito. Dalawang oras siyang tumatambay sa naturang shop, nakatingin lang sa labas sa pamamagitan ng clear glass panel na katabi ng mesa niya at pinapanood ang mga sasakyang dumadaan, at kung minsan naman ay nagbabasa ng mga libro. Pagdating ng ala-una, aalis na siya at papasok sa trabaho.

Napansin niya ang bagong sabit na cork board hindi kalayuan sa kanyang mesa. Wala pa itong masyadong sulat, tila hindi nakapukaw sa atensyon ng mga taong busy sa pakikipag-usap sa mga kasama nila. Binuksan niya ang messenger bag niya at kinuha ang tickler.

Kapag wala siyang magawa, nagsusulat siya sa tickler na ito. Punong-puno ito ng lungkot at galit niya sa sarili at sa buong mundo.

Each of us starts out as a watertight vessel. Then people leave us, or don’t love us, or don’t get us, or we don’t get them, and we lose and fail and hurt one another. And the vessel starts to crack open in places.

-          J. G.

Napangiti siya ng bahagya habang binabasa ang sinulat niya ng paulit-ulit. Kakatapos lang niyang basahin ang librong ito kaya naaalala pa niya ang mga linya. Pinigtas niya ang pahina at idinikit sa board bago siya lumabas ng shop.

~

Hindi na siya nakadaan kahapon sa shop bago pumasok sa trabaho dahil nag-oversleep siya. Hindi niya maintindihan kung bakit pagkagising niya ay parang pagod na pagod parin siya kahit napasobra na nga sa  walong oras ang tulog niya.

“Dark mocha for Sir Vice.” tawag ng barista. Kinuha na niya ito at didiretso na sana sa usual niyang mesa ngunit naisipan niyang tingnan muna ang freedom board. Nagulat siya nang may isang papel na halos pareho ng kanya ang idinikit sa tabi ng sinulat niya.

Once the vessel cracks open, the end becomes inevitable. But there is all this time between when the cracks start to open up and when we finally fall apart. And it’s only in that time that we can see one another, because we see out of ourselves through our cracks and into others through theirs. ;)

Napangiti siya dito. Hindi niya akalaing may papansin sa sinulat niya. Siguro dahil hindi naman alam ng taong yon ang ugali niya, na hindi siya palakaibigan, na hindi siya mahilig makipag-usap. Maganda rin ang penmanship nito, para pa ngang font sa computer. Babaeng-babae. Dali-dali siyang nagsulat ng kadugtong at idinikit rin ito sa tabi.

When did we see each other face-to-face? Not until you saw into my cracks and I saw into yours. Before that, we were just looking at ideas of each other, like looking at your window shade but never seeing inside. But once the vessel cracks, the light can get in. The light can get out.

~

Mas lalong nagkaroon ng dahilan si Vice na pumunta sa shop. Pagkatapos niyang umorder, lagi siyang pupunta sa board para tingnan kung sumagot na ba ang taong kausap niya. Dalawang araw na siyang nadidismaya, pero ngayon ay hindi na.

Wow, glad to find someone who loves this book as much as I do! Have you read TFiOS? :)

Diretso na siyang nagsulat sa papel ng sagot niya.

Half-truths | Vicerylle OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon