11: 3D

8.9K 299 157
                                    

Probably the first and the last time na magsusulat at makakasulat ako ng ganito kahaba. Next time balik 3 pages na ulit, ganon ganon. =)) anyway, utang na loob sana basahin niyo maawa kayo sa mga eyebags na naipon ko sa buong linggo. Charot. XD 

Belated happy 27th monthsary! :)

Napaatras si Karylle ng bahagya at kumapit ng mahigpit sa railings dahil sa pagkalula. Natawa naman siya sa sarili sa ginagawa niya ngayon. Bakit naman kasi dito pa. Ang arte ko talaga eh.

Pinilit niyang buksan ang mga mata niya at tumingin sa baba. 40 floors, approximately 530 feet tall. Parang mga dwende nalang sa liit ang mga nakikita niyang tao. Ni hindi nga siya makasiguro kung tao ang mga yon. Humakbang siya muli papalapit sa pasamano at huminga ng malalim nang may marinig siyang sigaw.

“Huy! Wag mong ituloy yan! Huy!”

“Ay mama!” nasabi niya. Sa gulat, muntik na siyang makabitiw sa railings kaya naman tumakbo pa papalapit ang lalaking sumita sakanya at akmang sasaluhin siya. Hindi man lang niya napansin ang pagbukas ng pintuan dahil sa sobrang kaba niya.

“Miss, bumaba ka na dyan.” kalmado nang pangungumbinsi ng lalake. Inabot niya ang kamay niya kay K para tulungan ito. Agad-agad naman niya itong inabot habang hirap na hirap na humihinga dahil sa kaba at takot at dahan-dahang bumaba.

Hinampas niya ang lalake sa braso at napahawak siya sa dibdib niya habang humihinga ng malalim. “Tae mo nagulat ako!”

“Aba sa tingin mo ako hindi? Bumungad ka kaya sakin! Eh tatalon ka na dyan eh!” sagot naman nito, bakas din ang gulat sa mukha niya.

Napayuko si Karylle sa sinabi ng lalaki. Hindi rin niya alam kung anong naisip niya at nandito siya sa tuktok ng building na ‘to ngayon. “Hindi naman kaya ako tatalon. Inaabot ko lang kaya yung nahulog kong ano…” mahina niyang sagot.

Natawa naman ang lalaki. “Ano?”

Nairita siya at tinaasan ng kilay ang kausap as she folded her arms. “Bakit ka ba nangingialam? Ikaw bakit ka nandito? Tatalon ka rin, ganon?”

“Di ah. Magyoyosi lang sana ako.” ipinakita niya ang kaha ng sigarilyo at lighter kay K. “Mahal ko kaya buhay ko.”

She found it sarcastic kaya natawa siya at dahan-dahang umupo sa pavement, nakasandal at nakatalikod sa pader at pasamano and hugged her knees. “Tapos sinusunog mo baga mo sa ganyan? Mahal mo nga buhay mo.”

He chose to ignore her comment at naupo rin sa tabi niya, ibinalik ang sigarilyo at lighter sa bulsa. “Di ka naman talaga tatalon eh.” nasabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Dali-dali namang umalma si Karylle at nilingon siya pero bago pa siya makapagsalita ay sumabat na ulit ang lalaki. “Kasi kung tatalon ka talaga, dapat diniretso mo na nung nakita mo ko para di kita napigilan.”

“Ah hinahamon mo ko?” tumayo si K at dumungaw sa ibaba ng building. Tumiklop ang tuhod niya dahil sa panghihina kaya naupo nalang siya ulit.

Nag-smirk naman ang lalaki at umiling-iling. “So bakit dito? Bakit di nalang laslas? O overdose? O sa MRT? Billboard? O patiwakal? Ang dami namang choices.”

“At nag-suggest ka pa talaga no.”

Napangiti ang lalaki at inabot ang kamay niya for a handshake. “Vice, ang taong nagligtas sa buhay mo.”

Natawa na dito si Karylle at kahit papaano ay kumampante ang loob sa kausap. “Wow ha para namang sinalo mo ko mid-air. Karylle, or K nalang.” inabot niya rin ang kamay niya.

Half-truths | Vicerylle OneshotsWhere stories live. Discover now