8: Ice Cream

6.4K 148 25
                                    

“Woops. Watch it.” sabi ng isang lalake nang muntik na siyang mabangga nang isang babaeng patalikod at palingon-lingon na tumatakbo.

Hingal na hingal namang sumagot ang babae na hindi nakatitig parin sa likod niya at hindi man lang sinulyapan ang kausap. “Sorry. Sorry.”

Ngumiti lang ang lalake at tila natauhan kaya’t bigla-bigla niyang inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ng babae at patuloy nang naglakad.

“Wait. Hey, hey! Kuya!” sigaw ng babae at hinabol siya. Pawis na pawis na ito at hinang-hina na. “I need your help.”

~

“Wala na ba siya? Yung maliit na lalake na magulo yung buhok?” bulong ng babae.

“Stay low. Sasabihan kita pag okay na.” sagot ng lalake, dinudungaw ang isa pang lalake sa di kalayuan na nililibot ang tingin sa paligid ng parke at mukhang inis na inis na.

“Nangangawit na ko eh…” reklamo nito. Kasalukuyan siyang nagtatago sa ilalim ng isang stone bench habang nakaupo naman ng kaswal ang lalake para matakpan siya. Buti nalang at nakatulong din ang kadiliman at ang kakulangan ng mga ilaw sa lugar.

“Hintay lang. Paalis na yata siya eh. Sumakay na sa kotse niya. Teka.” inabot niya ang kamay niya sa babae para tulungan itong tumayo.

Nag-stretch naman ng legs ang babae at kinuha ang panyo mula sa bulsa niya at nag-ayos ng sarili ng konti.

“Okay ka na ba miss? Gusto mo bang ihatid nalang kita pauwi?”

“Ah, hindi hindi. I have to thank you so I’ll take you out to dinner. Bawal kang tumanggi! Utang na loob ko sayo buhay ko omg.” at hinatak na niya sa braso ang lalake paalis ng parke at pabalik sa kalsada.

Napakamot nalang ng ulo ang lalake. “Ano palang pangalan mo?”

“Karylle. K nalang. Ikaw?”

“Jose. Vice nalang. Wait, do you mind me asking? Bakit ka ba hinahanap nung lalaking yon?”

“Save it for later. Nagugutom na  talaga ako eh. By any chance, may kotse ka bang dala?”

Umiling lang si Vice bilang sagot at patuloy na silang naglakad.

~

“Treat ko ‘to ha.” paalala ni Karylle nang dumating na ang pagkain nila.

“You don’t have to. Sinamahan lang naman talaga kita to make sure you’re safe.” sagot ni Vice nang tumunog bigla ang tiyan niya. Natawa naman si K. “Okay, gutom narin naman ako.”

“Basta ako na. Next time ikaw naman manlilibre kapag niligtas ko buhay mo.”

“So yung situation kanina, was that really a matter of life and death?” he asked innocently.

“Well, I tend to exaggerate things, you know. But promise you won’t judge me when you hear my story.” sabi niya habang masinsing nakatingin sa kausap.

“Oo naman.”

Nang maramdaman niyang sincere naman si Vice sa sagot niya, nagsimula na siyang magkwento. “Okay. Kasi…  My boyfriend and I broke up for the nth time last month. Okay, okay, I don’t need a lecture about letting go and shit because I know what I’m doing, or at least I thought I knew. Ayun, since it’s pretty normal for our relationship and nagkakaayos din naman kami agad, hinayaan ko nalang muna. Then I saw her with another girl a week after. A WEEK AFTER! What the heck happened to that golden 3-month rule? Sabi nga ni Popoy… Sa One More Chance yon, you look so clueless there. Sabi niya, bakit ba kating-kati kang palitan ako?! So ayon, alam kong ako naman yung mali dito but that guy has liked me for a very long time now so I decided to entertain him. You know, revenge lang. Para naman hindi ako magmukhang loser. He was nice at first, a true gentleman, okay na nga sana eh. Kaso para siyang linta, please. Sobrang touchy niya! Ang dami-dami niyang galamay. Kaya ayun, sabi ko pupunta lang ako ng CR pero hindi ko na siya binalikan. Mean, I know. But I was just protecting myself, diba?”

Half-truths | Vicerylle OneshotsKde žijí příběhy. Začni objevovat