10: Logoleptic

6.1K 169 42
                                    

First time kong magsulat ng ganito kahabang os, improving. =)) pagtiyagaan niyo sana hahaha.

Nakatulala nanaman siya sa mga posters na bumabalot sa apat na sulok ng kanyang kwarto, lumiit muli ang mundo at nakulong nalang dito pero wala siyang kasing kuntento. Bumibilis naman ang takbo ng oras pero para sakanya, parang iilang minuto palang ang lumipas. If only stars appeared on a person’s eyes every time he or she is in awe, hers would probably form a constellation at this very moment. Her cheek bones do not even feel a bit of pain kahit kanina pa siya nakangiti.

She jumped in shock when she heard a knock on the door and immediately grabbed her book which is still stuck at the same page an hour ago and tried to regain her focus. “K, mag-aral ka na dyan!” said her mom. Alam na alam talaga ng mommy niya kung anong nangyayari sakanya sa loob ng kwartong ‘to.

“Nag-aaral naman po!” she shouted back. Binuksan niya ang desk lamp at sinubsob ang mukha niya sa libro, iniiwasang tumingala nang hindi na madistract pa sa mga taong nasa posters na nakatingin sakanya. Hindi naman siya nagtatagumpay dahil sa pag-iisip palang na nakatingin sakanya ang mga ito ay hindi na siya mapakali. Pinipigilan niya ang sariling mapatili at sipain ang hangin dahil sa kilig.

“Sinasabi ko sayo Ana Karylle hindi ka makakapunta sa gig gig na yan next month pag hindi maganda ang results ng finals mo ha.”

Dali-dali namang pinatay ni Karylle ang ilaw at kinuha ang libro niya and she made her way to the door para sa ibang lugar nalang mag-aral at makapag-concentrate. Pero bago siya tuluyang lumabas, hinawakan niya muna ang bawat mukha sa poster na malapit sakanyang pintuan at nginitian at binulungan sila.

~

Logoleptic @thelogoleptic      42s

Album launch happening at central plaza 7pm! And to promote the new album, we’ll be back on tour next month! Posting the sked in a bit :) hope to see u in one of our shows!

Logoleptic @thelogoleptic      54s

Wait no more: our new album Analogous will be out on the 26th!! :) Maraming salamat sa patuloy niyong pagsuporta sa banda. Mabuhay ang musikang pinoy! #OPMUndead

K let out a muffled scream at pinagpipindot ang favorite at retweet. Kahit wala naman masyadong kwenta, nireplyan niya ng “bibili ako agad bukas! love you!” at “I will be there! love you!” sa dalawang tweets at binuksan din ang bawat profile ng mga miyembro ng banda pati narin ang management team nila to check kung anong mga namiss out niya while she’s at school at ifefavorite at ireretweet din ang mga ‘to at rereplyan (kahit wala ulit kwenta, minsan nga ‘hi’ lang o kaya ‘pwede po pafollowback? love na love ko kayo!’). Twitter, instagram ng buong team ng Logoleptic, facebook page nila, then youtube lurking. Pagkatapos naman nito ay didiretso siya sa google to search kung may bago bang articles or interviews about them. Isasaksak niya ang external hard drive niya na may halos 100 gb na ng files sa laptop at sa loob ng dalawang oras ay babalik-balikan ang mga paborito niyang pictures ng Logoleptic at panonoorin ulit ang mga paborito niyang videos: BTS, acoustic sessions, live sessions, music videos, interviews, vlogs, etc. Hahawak-hawakan at aamuy-amuyin ang collection niya ng mga band merch na kahit kailan ay hindi niya ginamit, ang mga guitar picks at drum stick na pinaghirapan niyang saluhin. Makikinig sa mga kanta nila sa iPod niya at tititigan ang mga posters sa kwarto niya hanggang sa makatulog siya. Then repeat. Ritwal na niya ‘to sa inaraw-araw sa loob ng mahigit kumulang dalawang taon.

Sabi nga ng mga kaibigan niya, parang bisyo na niya ang Logoleptic. Kahit saan sila mag-gig basta ba kaya niyang mag-commute papunta at pauwi, pumupunta talaga siya kaya nga ilang kopya na ng CD nila ang meron siya, lahat puro signed. Kahit lagi na niya silang nakikita at namimeet, hindi parin siya nagsasawa at alam niyang hinding-hindi siya magsasawa. Ganun niya kamahal ang bandang yon.

Half-truths | Vicerylle OneshotsWhere stories live. Discover now