Chapter 4: Zandy

779K 15.5K 2.5K
                                    

Chapter 4: Zandy

Narrator's POV


Sabay bininyagan sina Zandra and Zandrick and of course, sabay din silang nagcecelebrate ng birthday. Super close silang dalawa because lagi silang magkasama and naglalaro.


**after 7 years, house ng mga Sy

Pumasok sa gate si Zandrick at agad hinanap si Zandra.


"Hello Zandra!!!" masiglang bati ni Zandrick pero biglang natisod, "OOOUUUCHH!!!"


Inalalayan naman ni Zandra agad si Zandrick tumayo, "Ano ba naman yan, di ka nag iingat dyan eh, ipagupit mo na kasi yung hair mo, nakaharang na sa mata mo, mukha kang bunot!"

"Hmp! Lagi mo na lang ako inaapi! Ikaw nga ang daming nakasabit sa hair mo, ang arte!" turo niya sa buhok ni Zandra.

"Che! Tama na nga yan! Tara punta na lang tayo sa club house dito sa subdivision natin." aya ni Zandra.

"Sige sige pasama tayo kina yaya and sa bodyguard. Sabi kasi nila mommy, dapat lagi sila kasama para safe tayo."

"Sige sige!" Zandra agreed, "Tara na, dala tayo toys and chocolates, wait ah sabihin ko kay yaya."  sabay takbo papuntang kusina.

"Yaya! Yaya! Yaya!" pasigaw na tawag ni Zandra sa yaya niya, "Pasama kami ni Zandrick sa clubhouse, dala ka ng toys and chocolates ah. Thanks yaya!"


*club house*

"Wooossh! Airplane yiiiiiiiiiiiiiiiiiiii boooggsssshhhhhh!!!" laro ni Zandrick sa toy airplane niya.

"Tugu-tugu-tugs-chu-chu... tugu-tugu-tugs-chu-chu..." laro naman ni Zandra sa train toy niya, "Zandrick, wala yang airplane mo sa train ko!"

"Hmp, yan ang wala! Boogsshh!" tinamaan nya yung train ni Zandra, "Hahahahahahaha!"

"Hmp! Daya daya mo talaga! Hahaha waaa Zandrick, lapit na matapos yung summer, magggrade 1 na tayo! Exciting!"

"Ako di ako excited..." biglang lumungkot yung mukha ni Zandrick.

"Bakit naman?" agad lumapit si Zandra kay Zandrick.

"E kasi, ibubully lang nila ako dun eh, idadapa lang nila ako tapos kukunin nila yung baon ko."

"Ay nako, bayaan mo sila dun, pag kinuha nila baon mo, isheshare kita ng baon ko tapos pagbinully ka nila, ihehelp kita awayin yon and isumbong sa teacher! Mga bad na yun inaaway bestfriend ko!" Zandra tried to encourange her bestfriend.

"Thank you ah, lagi mo ko nihehelp, kaya naman love ko tong bestfriend ko eh!" and he hugged her.

"Naman!! Love din kita eh!" she hugged back, "O wag ka na mag-aalala ah, nandito naman ako lagi eh, gaya ng sabi nila mommy and tita Tin, help natin each other."

"Hahahahahaha ikaw talaga." ginulo naman ni Zandrick ang buhok ni Zandra, "Hahahahahahahaah!!! Magulo na hair mo hahahahahahahaha!"

"Naman zandrick ehhhhh!" agad niyang inalis yung kamay ni Zandrick sa ulo niya, "Sayang ipit ng hair ko, ganda pa naman!!"

"Ano maganda dyan ang pangit kaya!!! Bleehh!!" bumelat si Zandrick at agad tumakbo.

"Ang bad mo talaga!!!!"  hinabol naman niya si Zandrick.


Habulan lang ng habulan hanggang sa...


"Zandrick zandra!!" tawag ng yaya nila sa kanila, "Uwi na tayo, maggagabi na, baka hanapin kayo ng mga mommy niyo."


Agad takbo naman sila Zandrick and Zandra sa yaya nila.


"Zandra Zandrick .. zann aish," napakamot na lang ng ulo yung yaya nila dahil sa nakakalitong pangalan ng dalawa, "Nakakalito pangalan nyo parehas Zand."

"Hahaha si yaya talaga o hahahaha!" the two kids said in chorus.

"Ay nako, Zandy na lang tawag ko sa inyong dalawa," suggest ng yaya nila, "Kaya pag narinig niyo ang Zandy, ibig sabihin kayong dalawa ang tinatawag ko ng sabay okay?"

"Zandy?" napataas ng kilay yung dalawa pero narealize din nilang cool yun kaya humarap sila sa isat isa at nagturo, "Tama Zandy!!! Hahahahahahahahaha yun na tawag ko sayo!"

ZANDY!

 And that's how they first formed their pet name.

----------------------------------------------------------------------------------

 You can follow me on twitter: @stupidly_inlove :) 

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon