Chapter 21: Total Transformation

529K 10.3K 2.1K
                                    

Chapter 21: Total Transformation

Zandra's POV


So after that scene sa Venice Canal, 

Pinag-isipan ko talaga ang paghingi ni Zandy ng favor sakin.

Ang hirap naman nito for me!

Okay na kasi siya eh...

mabait,

talented,

at gwapo naman talaga.


Ewan ko ba dun sa Krissy na yun, kelangan na ata ng salamin! 

Pati na din yung ibang taong nakapalibot kay bes, para naman makita nila ng malinaw yung kagwapuhan ng bespren ko. 


So now its been 4 days. 

Nandito na din kami sa Manila, at ngayon nandito ako sa kwarto ni Zandy.

Tumitingin-tingin ng mga damit dito sa walk-in closet niya tas siya naman, ayun nagtatap-tap revenge sa iphone na bigay ni Tito Pat.

Hmm, okay naman ang taste niya sa mga damit niya. 

Wala nga lang syang confidence sa pagdadala ng sarili. Alam niyo yun, yung parang laging may kinakahiya? 


"Zandy, sure ka na ba sa gusto mong gawin?" tanong ko. 

"Oo naman. Kelangan ko din 'to tutal high school na, dapat new look. Malay mo, mapansin na din ako ni—"

Di na niya natapos yung sasabihin niya kasi nagsalita na ulit ako. "Yah yah I got it. Psh." 


Pinutol ko na yung sasabihin niya kasi alam ko na kung anong pangalan na naman ang lalabas sa bibig niya. 

Okay, back to business. 

Ano ba kasing unang pinapansin sa kanya?

Ahh! Pshh. 


BUNOT

--------- yung hair niya.

Sabagay, dahil dyan sa buhok niya, medyo natatakpan yung mukha niya. 

Minsan nga, nagmumukhang helmet wahahahaha!!!

Lumabas na ko ng closet niya at pumunta sa kanya. Hinila ko siya palabas ng kwarto. 


"Hey, san ba tayo pupunta?!" naguguluhan niyang tanong habang palabas kami ng bahay nila. 

"Basta, ano gusto mo bang magtransform or what?!" sagot ko. 

"Tsk! Sige, san ba tayo pupunta para pahatid tayo sa tsia tao (driver) ko." sabi niya. 

"Sa Fix Bench Salon tayo." 

"Fine... manong, pahatid po kami sa fix salon yun sa Sta. Mesa na lang tayo para malapit." sabi niya sa driver pagkasakay namin ng kotse. 

"Sige po sir." sagot naman ng driver niya. 

"Manong, Zandrick na lang po." 

"Ah hehehe sige Zandrick." sagot ng driver sabay ngiti. 


Yan ang isa sa mga gusto ko kay Zandy. 

Mayaman man pero, down to Earth pa din. 

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon