Special Chapter 6: TV Adaptation

173K 3.2K 914
                                    

Special Chapter 6: TV Adaptation

Zandra's POV

"Zandy!" I shouted. Hindi kasi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Agad namang tumakbo si Zandy sa akin, "O bakit yun? Anong meron?"

"Look," agad kong binigay sa kanya yung cellphone ko, "Nagtext si author sa'kin."

From Author Stupidlyinlove

Hi Zandys! Long time no see. May good news ako sa inyo.

Magiging TV MOVIE na ang story niyo ni Zandrick, Kurt at Krissy! Maipapalabas na ang UNLUCKY I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND sa TV5!!!

So, pupunta ako dyan to give you all the details. :)

Nakita ko na lang na nakanganga na si Zandy sa pagkabigla. I feel him. Ganyan din ako pagkabasang-pagkabasa ko ng isang magandang balita.

"Seryoso ba 'to, Zandy?" Hindi makapaniwalang tanong ng asawa ko.

Agad naman akong tumango, "Syempre. Di naman tayo ijojoke time ni achi author noh!"

"Grabe Zandy!" At niyakap niya ako, "Hindi ako makapaniwala na malayo ang mararating ng simpleng kwento natin na ito."

"Me too, Zands," and I hugged him back.

Ding dong. Sandali pa ay narinig namin ang pagtunog ng doorbell.

Agad kaming nagkatinginan, "Sino naman kaya yan?"

Agad namang pumunta si manang para tignan at papasukin yung bisita. At sandali pa, nakita na namin kung sino iyon.

"Oh my gosh, KD!"I rushed over him to give him a hug. I missed this man.

"Hi, ZC," and he hugged me back.

Pagkahiwalay namin, pumunta si Zandy sa kanya para batiin, "Bro!"

At naghigh five sila.

"Grabe, anong meron at napadalaw ka dito bigla sa sobrang busy mo?" tanong ni Zandy kay KD.

"Well---"

"OMG. Nabalitaan mo na ba?" Sabi ko bago pa man makapagsalita si KD.

He chuckled, "Well, that's why I'm here. Pinapunta ako ni achi author dito."

"OMG, can you believe it KD?"

"Until now, hindi pa din ako makapaniwala," dreamy na sabi niya.

"Dati sa wattpad lang tapos naging libro at ngayon," Zandy gasped, "makikita na sa TV!"

Ding dong, another doorbell indicating someone arrived again.

"Who's that?" I asked and the two man shrugged in reply.

Sandali pa, nandyan na din ang sunod na bisitang hindi talaga namin ineexpect.

"My gosh, so early naman. I have meeting pa later!" bungad niya

And you don't even need to guess. Yes, it's the bitch-turned-good, Krissy Denise So.

"Hi, Krissy," at nakipagbeso ako ganon din ang dalawa pa.

"Ang aga naman ng meeting na ito," reklamo ulit ni Krissy.

"Aren't you excited?" Zandy asked, "magiging TV Movie na story natin!"

She sighed, "Actually, I'm worried."

Napataas naman kami ng kilay, "About what?"

And she gave us that duh face,"Hello! I'm the kontrabida there! All of them will hate me."

Unlucky I'm In Love with My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon