Chapter 5

107K 3K 148
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Heleia nang makita ang huling taong gusto niyang makita. Mabilis siyang tumayo ng maayos at tsaka ito tinulak. She immediately ran away from him ngunit mabilis nitong nahuli ang kanyang braso at tsaka siya hinigit papalapit dito.

"Heleia. I-It's you."

Kalev...

Napalunok si Heleia at kaagad niyang inilayo ang kanyang tingin mula sa lalaki. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang braso mula sa lalaki ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

Ramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Parang siyang nauubusan ng hininga. Siya'y natataranta na.

She wants to run away. She doesn't want to see this man!

"Hindi kita kilala kaya't bitawan mo ako." Sabi niya rito.

Pwersahang binawi niya ang kanyang braso mula rito but his grip tightened. Her eyes widened when memories flashed before her eyes.

The way he gripped her.

"Heleia please let's talk." Rinig niyang sabi nito.

"Let go of me!" napatili siya. Her eyes clouded with tears. Alam niyang pinagtitinginan na silang dalawa ng mga tao ngayon dahil sa kanyang pagtili ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang makawala! Ayaw niya itong makita! Ayaw niyang hinahawakan siya nito! Ni ayaw niyang makahinga ng hangin na hinihinga rin nito!

She hates him! No. She loathes him! He's one of them!

"Let go of me!" She shouted again and again.

"Heleia, please let me talk with you."

Umiling-iling siya at tsaka nagsisisigaw. She gasped when Kalev suddenly pulled her. Impit siyang napatili nang bigla siya nitong hilahin papasok ng kotse nito.

"Me and my wife are just having a fight. We're going to talk now!" Rinig niyang sabi nito sa mga taong nagsisitinginan.

Dahil sa sinabi nito ay mas lalong nag-init ang kanyang ulo. Patulak siya nitong ipinasok sa kotse. Akmang bubuksan niya ang pintuan nang mabilis ito nitong ni-lock. She tried to open the door ngunit hindi talaga iyong mabuksan.

Napatili siya nang pumasok si Kalev sa kabilang side ng pintuan at mabilis iyong sinara.

Nagsalubong ang kanyang kilay nang tinignan siya nito. Napalunok siya nang pasadhan siya nito ng tingin.

"Anong tini-tingin tingin mo ha?! Saan mo ako dadalhin!? Gagahasain mo na naman ako?!" sigaw niya rito. Napapikit ito sa lakas ng kanyang boses.

"Wait what?! Hell no! I'm not going to rape you okay?! Why would I do that?!" he shouted with disbelief in his voice.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang lakas ng boses nito at nangunot ang kanyang noo nang makita ang pagtataka sa buong mukha nito.

Wait... why is he acting like this?

He tried to move closer to her ngunit mabilis siyang umatras.

"Heleia..."

"L-Let me go please."

Mabilis itong umiling.

"No. We're going to talk about something. I think you're misunderstanding something and that's not good."

Mabilis nitong pina-andar ang engine ng kotse at tsaka nag-drive. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang rito.

Hindi niya alam kung ilang minuto na ang nagdaan at nagd-drive pa rin si Kalev ngunit alam niyang matagal na iyon. She needs to call Flare. Hindi pwedeng mag-isa lang ang kanyang anak ngayon sa hospital.

Sexy Beast: Kalev De La ValliereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon