Chapter 8

93.7K 2.6K 285
                                    

  "She had a heart attack and flat lined but we still managed to save her. She badly needs the medicines that I prescribed for her. The cheap medicines won't work on her anymore..."

  Napaluhod si Heleia habang kagat-kagat ang kanyang ibabang labi. She doesn't know what to do with her life anymore. Iyong mga prine-prescribe na medisina ng doktor para sa kanyang anak ay napaka-mahal, she still needs to pay their rent! Ni hindi niya pa nga nababayaran ang bills nila sa hospital na ito.  Mariin siyang napapikit.

  "W-Wala na po bang ibang paraan?"

  Umiling ang doktor.

  "Hindi siya p-pwedeng operahan Ma'am, her heart is too weak. It might stop in the middle of the operation. She needs the medicines ma'am."

  Nanggigilid ang mga luhang napa-tingin siya sa Doktor. The Doctor just stared at her blankly. Ilang segundo pa ay napabuntong-hininga ito sabay yuko.

  "Mag r-rounds muna ako Miss Leia, please buy the medicines for your daughter..."

  Wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang tumango na lang. The Doctor left, dahan-dahan naman siyang napatayo. Dumapo ang kanyang tingin sa kanyang anak na naka-higa sa hospital bed, hindi niya naman namalayan ang mga luhang umalpas mula sa kanyang mga mata.

  Bakit ang anak niya pa ang kailangang mag-hirap? She's here, bakit hindi nalang siya? Bakit kailangang ang anak niya pa ang maghirap sa sakit?

  Naikuyom niya ang kanyang kamao at tsaka humikbi.

  Ano ba ang nagawa niyang masama at pina-parusahan siya ng ganito ngayon? She was abused by her own parents when she was young, she got raped and now this?

  Dahan-dahan niyang nilapitan ang higaan ng kanyang anak. She slowly leaned and kissed her daughter on her forehead.

  "Please hold on baby... para kay mama, please l-lumaban ka..."

  Few minutes later, hindi niya napansing naka-tulog na pala siya dahil sa pag-iyak.

  "You're awake."

  "F-Flare? Kanina ka pa ba nandito?"

  Nakita niya ang pagtango ng kanyang kaibigan. Flare smiled at her, she weakly smiled back at her.

  "Pasensya na kung hindi kita ginising, ang himbing kasi ng tulog mo. Anyway, are you hungry? May dinala akong mga pagkain dito."

  Umiling siya. She's hungry pero wala siyang ganang kumain, parang kapag susubo siya ng isang kutsara ng kanin ay isusuka niya na agad iyon.

  Flare gave her a worried look and slowly approached her. Umupo ito sa sahig sa kanyang tabi at tsaka tinignan ang kanyang anak.

  Walang nagsasalita sa kanilang dalawa, ang ingay lang ng heart monitor ang naririnig.  Ilang minuto lang silang ganoong dalawa nang bigla niyang maramdaman ang haplos ni Flare sa kanyang likod.

  "If you want to cry, then cry. I won't stop you."

  Hindi niya alam kung bakit matapos sabihin ni Flare ang mga salitang iyon ay automatiko na lang siyang napa-iyak.

  "F-Flare!"

  Mabilis siyang niyakap ni Flare at tsaka inalo-alo. Napahagulgol siya ng iyak.

  "Flare, bakit kailangang ang anak ko pa ang magdusa? B-Bakit siya pa? She didn't do anything wrong! I-I never saw my daughter smile, n-ni hindi ko siya nayakap noong pinanganak ko siya dahil dineretso kaagad siya sa emergency room!"

Sexy Beast: Kalev De La ValliereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon