Chapter 7

102K 2.6K 66
                                    

 
Kumunot ang kanyang noo nang makitang napalingon si Kalev sa direksyon ng batang gusgusin. Akala niya ay tatabuyin ito nito ngunit laking gulat niya nang bigla itong ngumiti at tsaka ito sinalubong ng yakap.  

Her lips parted when Kalev hugged the little girl while smiling.  

No. She shouldn't trust him. Pakitang loob lang ito. He's a monster!  Humakbang siya papalapit rito nang mapansin niyang biglang nagbago ang reaksyon sa mukha nito. Biglang naging seryoso ang mukha ni Kalev nang may mapansin sa leeg ng bata. Mabilis ito nitong pinalayo rito at tsaka ito inusisa.  "What happened to this?" nasa boses nito ang pagaalala. Ang kaninang nakangiti na batang babae ay biglang napayuko tsaka suminghot.  

"Who did this to you?"  

Hindi ito sumagot.  

"Gavia..."  

"S-Si aling Serang po... n-nanghingi po ako ng pagkain kanina tapos di niya po ako binigyan, n-napalo po ako."  

Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Kalev nang sabihin iyon ng bata dito. Akmang tatayo si Kalev nang pigilan ito ng bata.  

"W-Wag na po kuya..."  

Napatingin lang si Kalev rito ng ilang segundo pagkatapos ay bumuntong hininga ito.  

"Nasaan ang mama mo?"  

"M-may sakit po siya kuya... h-hindi po siya maka-galaw sa higaan."  

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin Gavianne?"  

"S-sinubukan ko naman pong humingi ng tulong sa inyo p-pero pinag-tabuyan ako n-nung babaeng nasa pintuan."  

"Ituro mo sa akin iyong nan-taboy sa'yo mamaya. Kakain muna tayo, okay?"  

"Okay po! Pero... si mama..."  

"Don't worry, ako ang bahala sa mama mo. We'll send her to the hospital. Doon na rin kayo matutulog sa resort from now on okay?"  

Hindi nakasagot ang bata. Nanahimik ito ng ilang segundo at tsaka biglang ngumawa ng pagkalakas-lakas. Kalev immediately hugged the little girl.  

"Hush now... Hush..."  

"K-kuya! Thank you po! Thank you!"  

Kumabog ang dibdib ni Heleia at bigla siyang naawa nang makita ang batang inaalo ni Kalev.  

Naikuyom niya ang kanyang kamao. Alam niya na ang nangyari ngunit hindi pa rin matanggal ang galit at puot sa kanyang puso. She kept on convincing herself that he's just lying to her, he's just manipulating her... but seeing this, nahihirapan na siya.  

He's a monster....  

He's a monster....  

She kept on whispering to herself but she couldn't really convince herself anymore.  

She clenched her fist, bit her lower lip and let out a deep sigh.  

He's.... not.  

---  

"You're fired."  

"Sir!"  

"Get out! Now!"  

Napapikit ang kanyang sekretarya na si Jenny nang sigawan niya ito. Jenny sobbed at tsaka tumakbo papalayo sa kanya.  

He's not the kind of the boss na bigla bigla na lang na nags-sisante ng employee nang walang rason but that Jenny just pissed him off. Ilang beses niya na itong sinabihan na kapag pupunta ang batang babae na si Gavianne at hihingi ng tulong ay tulungan ito at bigyan agad ng kung ano'ng kailangan but she didn't follow his orders! Instead of helping Gavianne, she just pushed her away! Ibinulsa rin nito ang mga pera na dapat ay para kay Gavianne at sa nanay nito!  

Sexy Beast: Kalev De La ValliereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon