(1) New Workmate

196 3 0
                                    

(1) New Workmate

"Trina!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Anj pala na nasa kabilang cubicle. "Alam mo na ba ang bagong chika?" Dagdag nito. Napa-arko ang kilay ko sa tanong niya.

"Anong chika? Wala akong alam. Busy ako." Dahilan ko. Bumalik ako sa pagsusulat.

"Hay, nako! Kahit kailan talaga lagi kang huli sa balita. Uso ring maki-chismis paminsan-minsan, 'no!" Sabi pa nito.

"E, ano ba kasi 'yon?" Tanong ko na hindi tumitigil sa ginagawa ko.

"We have a new workmate!" Sagot nito. Napabuntong-hininga ako.

"Ano namang bago d'on? Natural lang naman 'yon."

Ramdam kong lumapit siya sa'kin dahil sa tunog ng swivel chair niya. Pinaharap nito ang kinauupuan ko sa kanya.

"Hindi lang siya basta bagong katrabaho, Trinity. Kundi, super duper oozing sa hotness na workmate! Grabeeeee!" Kinikilig na pagkakasabi nito. Pinambilugan ko lang siya ng mata at bumalik na ulit sa pagsusulat.

Tinapik naman nito ang balikat ko kaya lumampas bigla ang sinusulat ko. "Ewan ko sa'yo, girl! Baka kapag nakilala mo 'yang si Andrew, e manginig 'yang buong kalamnan mo dahil sa angkin niyang kagwapuhan."

Nai-imagine ko na tuloy kung anong itsura n'ung bago naming katrabaho. Napahinto na nga 'ko sa ginagawa ko dahil dito kay Anj.

"Sige na, magtrabaho ka na dyan, future boss! Mamaya ipapakilala rin naman sa'tin 'yon, e." Sabi pa nito at tinapik-tapik ako sa balikat. "Just prepare yourself, Trina. Alam kong kagaya ni Andrew ang tipo mo." Bulong pa nito sa tenga ko bago tuluyang umalis ng cubicle ko.

Napabuntong-hininga ako. Ibinaba ko ang panulat ko sa table at inayos ang magulo kong buhok.

Nakakainis 'tong si Anj. Nakikita niya na ngang minamadali ko na 'yung report, eto naman siya't dini-distract ako. Hindi ko tuloy alam kung anong uunahin ko sa dalawa. Ang isipin kung anong itsura ng bago naming workmate, o tapusin na 'tong ginagawa ko para hindi ako matanggal sa trabaho. Hayst!

Syempre, mas pinili kong tapusin ang ginagawa ko. At kung sino man 'yung Andrew na 'yon na sinasabi ni Anj na tipo ko, mamaya nalang kami magtutuos.

💕💕💕💕💕💕

After four hours, natapos na rin ako sa ginagawa ko. Hindi na rin ako nakapag-lunch dahil kailangan kong matapos ang report ko sa lalong madaling panahon. Ayoko kasing pinaghihintay ang boss ko. Hihi.

"Pinapatawag tayo ni Boss, Trin. Mukhang papakilala na 'yung bagong photographer." Nakangiting sabi sa akin ni Anj nang mapadaan ito sa cubicle ko.

Kumunot ang noo ko bigla.

Bagong photographer? Ibig sabihin, tinuloy talaga ni Jake ang pagre-resign? Hayst. He's one of the pioneer here in Gorth Publishing. At syempre, isa siya sa mga matatalik kong kaibigan dito sa Gorth.

Nagbabalak na kasi siyang mag-resign noon pa dahil gusto niyang i-migrate na ang pamilya niya sa Canada.

"Oh, ano? Tutunganga ka nalang dyan? Wala na. Napasa na ni Jake 'yung resignation letter niya kay Boss. Busy ka kasi masyado kaya hindi mo namalayan." Sabi pa ni Anj na kanina pa pala naghihintay sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at sumabay sa kanya papuntang conferrence room.

Pagpasok namin sa loob, nandun ang boss namin at ang tatlo ko pang katrabaho. At syempre 'yung bagong photographer ng Gorth Magazine.

Oooh! Tama nga si Anj. Makalaglag panty ang Andrew na 'to. Ang hawt!

"Told yah!" Bulong sa akin ni Anj nang makaupo kami. Nginisian ko lang siya.

"So, as you can see, Jake is not here. He filed his resignation last tuesday. I understand his reason, so I approved it fast." Umpisa ng aming Editor in-Chief. "And as a replacement for Jake's job, I hired, Andrew Legaspi. He's one of the most renowned photographer in the country." Sunod na sabi ni Boss. "Andrew, I want you to meet my team." Pakilala niya sa amin kay Andrew. Andrew drew a smile when he faced us. "Andrew, this is Nicole, she is the Staff Editor. Alan is one of our Researcher. And then we have Craig, he's our Art Director. Anj is our Production Coordinator, and Trina, she is our Senior Writer here in Gorth."

Hindi ko alam kun guni-guni ko lang ba 'yon, pero parang ang lagkit ng pagkakatitig niya nang mapalingon ito sa akin.

Nilalandi niya ba 'ko?

"Hi. Please to meet you, Miss Trina." Nakangiti nitong nilahad ang kamay niya sa harap ko.

Matagal kong tinitigan ang mukha niya. Paano ba nasabi ni Anj na tipo ko ang kagaya niya?

Oo, gwapo siya. Syempre, sino ba namang hindi papatol sa gwapo sa panahong 'to? Lahat naman siguro ay gusto ng gwapong jowa.

Mukhang bihirang maarawan 'tong si Andrew. Pero, kung photographer siya, dapat sunog ang balat niya dahil madalas ay nasa arawan ang photoshoot ng mga photographer.

Matangkad rin siya. Mahilig ako sa matatangkad na lalaki dahil 5'6" ang height ko. Lahi kasi namin.

Parang maginoo pero medyo bastos ang datingan nitong si Andrew. Well, I liked guys with a wild imagination. Hihi.

Naka-polo, may suot na necktie, naka-black pants, pero naka-sneaker? 'Yang tataa? Asteeg niya!

"Huy! Kanina pa naghihintay sa'yo si Andrew, oh." Kung hindi pa 'ko siniko ni Anj, baka kung saan na nakarating 'tong iniisip ko.

Pilit akong ngumiti sa kanya at kinamayan ito. "H-hi," nauutal kong sabi. Medyo napahiya ako ng very light d'on.

"Okay! So, tomorrow, Andrew will start to his job. I hope you accomodate him to our office. Thank you for your time, team!" Sabi pa ni Boss bago lumabas ng conferrence room kasabay si Andrew. Pero bago lumabas ang mokong, tumingin muna ito sa akin at nginitian ako ng kakaiba.

NAKAKALOKA!

May meaning ba 'yung ngiting 'yon?

Nagulat ako ng bigla akong sabunutan ni Anj. "Aray naman!" Daing ko habang inaayos ang buhok ko.

"Nakakaloka ka, girl! 'Yung mga tinginan niyong dalawa ni Andrew, ha. Parang may meaning."

Ako naman ang bumatok kay Anj. "Hoy, Anjelica! Tigil-tigilan mo nga 'yang malaswa mong imahinasyon. Walang meaning yon, 'no! Tsaka, ngayon ko lang nakilala 'yang si Andrew. Walang meaning 'yun!" Dahilan ko.

Totoo naman, e. Baka 'yang Andrew na 'yan ang may malisya sa'kin! Grabe. Kabago-bago niya, nanglalandi na agad.

Teka nga! Masyado na ba akong assuming para isiping nilalandi niya ako? O, friendly lang talaga siya sa lahat? Ah, ewan!

"Asus! Kaya pala halos tumulo na 'yang laway mo sa sobrang titig mo kay Andrew!" Tudyo nito sa akin. Inirapan ko lang siya. "Pero, aminin mo? Yummy talaga, 'no? Ang papable. Mukhang magaling sa kama ang mokong!" Kinikilig na pagkakasabi nitong si Anj.

Sinaway ko naman agad siya nang makalabas na kami ng conferrence room. "Hoy! Bunganga mo nga. Mamaya may makarinig sa'yo, e."

"Hmpft! Hayaan mo nga sila. Totoo naman, e." Sabi pa nito at bumalik na sa cubicle niya. "And by the way highway, bago ko makalimutan. Nag-aaya si Jake after work daw sa Metrowalk. Pa-despedida niya. Hindi ka pwedeng humindi, 'day!" Dagdag pa nito.

"Oo na!" Sagot ko nalang at hinilig ang ulo ko sa table.

Medyo sumakit ang ulo ko sa tinapos kong report! Ilang beses kong nirevised ang topic namin for this month. Grabe! Brain storming pa more.

Pero on the other side, hindi ko naman ipagkakaila na medyo tinamaan ako sa hanging dala ng bago naming photographer.

Sino ba namang hindi? Kung si Anj nga kinikilig, ako pa kaya? Pero, hindi ako kinilig. Na-curious lang. 'Yun ang tamang word. Ang OA lang kasi ng pagkakasalaysay ni Anj.

Well actually, hindi na bago sa akin ang tipo ni Andrew. Tama si Anj, mga gaya nga niya ang bet ko. May mga naging jowa na rin naman ako in the past. Pero wala akong balak na magka-jowa sa ngayon. Masyado pang masakit ang last relationship ko. Kahit pa naka-move on na ako d'on, hindi parin mawawala ang sakit na iniwan niya.

Pero kung trip man ako niyang si Andrew... Nako. No way! Wala akong balak na magpabihag sa mga titig niya. Hindi siya tatalab sa akin.

Prames!

No LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon