(7) Kiss

44 3 0
                                    

(7) Kiss

Gabing gabi na pero hindi parin ako makatulog. Samantala 'tong si Nicole ay kanina pa nakabulagta.

Napanood ko na lahat ng palabas sa tv pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Anubeeeeer? Patulugin niyo naman ako. Maaga pa akong gigising para sa photoshoot bukas. 😪

Well, since hindi ako makatulog, lalabas nalang ako ng kwarto.

Paglabas ko ay agad akong dumiretso sa resort para doon magpahangin. Baka sakaling dalawin na ako ng antok dito.

Pero, mukhang hindi ata ako aantukin dito. 🙄

Naabutan ko si Andrew na nakaupo at nagyoyosi.

Gusto ko sanang bumalik nalang ulit sa kwarto pero napalingon na ito sa akin.

Nakangiti ito. "Hi, Trina. Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nito.

Napakamot ako sa ulo. Alangan namang dedmahin ko siya. Syempre, lumapit na ako at naupo sa tabi niya.

"Ewan ko ba. E, ikaw?"

"Same as you. Hindi ko din alam."

Gaya gaya naman. Sus! Ang sabihin mo, inaabangan mo lang ako. 🙄

Luh! Ang advance mo namang mag-isip, girl.

Natawa ako. Kahit hindi naman nakakatawa 'yon.

Seryosong tumingin sa akin si Andrew kaya napatigil ako sa paghalakhak.

"I heard what you told me kanina sa plane." Sabi nito.

Tila ba gustong kumawala ng puso ko dahil sa inamin nito. 😳

Parang gusto ko nalang din na lamunin ako ng lupa ngayon at huwag ng magpakita sa kanya.

OMG!!! Bukong buko na talaga ako. 😭

Nanatili akong tigalgal at hindi nakasagot sa sinabi ni Andrew.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung mag-sosorry ba ako o tatakbuhan nalang siya at iisiping walang nangyari.

Umarko ng ngiti si Andrew sa labi. "Actually, we can do it if you want."

'Yung mga titig sa akin ni Andrew habang sinasabi 'yon ay para bang nang-aakit.

Parang gusto kong magpabihag sa mga titig na 'yon.

Pero, hindi. Mali ito. Mali ang iniisip ko. Mali ang patulan ko ang mga sinasabi niya.

Baka naman nagbibiro lang siya? 'Wag ngang assuming, 'di ba?

"Ha?" Ayun lamang ang tangi kong nasabi.

"I find you interesting simula nang makilala kita. And I can't get you out of my mind, honestly." Sabi nito.

Parang gusto kong matawa sa mga sinasabi niya.

Baliw na ba siya? Bakit naman siya magiging interesado sa akin gayong may girlfriend siya?

Oo, crush ko siya. Pero, hindi naman ata tamang lokohin niya ang girlfriend niya.

"Nagpapatawa ka b–"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla ako nitong siniil ng halik.

Gusto kong kumawala sa mga halik na iyon.

Pero iba ang halik na dala ni Andrew sa akin. Nadadala ako sa bawat indayog ng labi nito.

Ibang iba sa mga lalaking nakahalikan ko noon. Tila ba dinadala ako ng sensasyong iyon sa ibang dimensyon.

No LabelWhere stories live. Discover now