(2) Titig

83 1 0
                                    

(2) Titig

"Didiretso na ba tayo?" Tanong ko kay Anj. Nasa likod lang naman ng building 'yung Metrowalk, kaya pwede nalang siyang lakarin.

"Oo naman! Alangan namang paghintayin natin si Jake d'on." Sagot naman niya.

"E, mukha na kasi akong zombie. Alam mo namang sinubsob ko ang buong oras ko sa pagtapos ng report." Dahilan ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng building. Kasabay na rin namin sina Nichole, Craig, Alan at iba pa naming katrabaho.

"Okay lang 'yan, ate girl. Itali mo nalang yang hair mo. Tapos konting lagay ng pulbo sa mukha, and then lagay ng red lipstick sa lips mo. Voila! Ready ka ng pumarty." Sabi naman nito na in-acting pa.

Sinunod ko namang ang sinabi ni Anj. Huminto ako saglit sa may nakaparadang kotse at tiningnan ang mukha ko sa bintana nito. Itinali ko ang wavy kong buhok, naglagay din ng pulbo sa mukha at hindi ko kinalimutan syempre ang red lipstick.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-nguso nang biglang bumukas ang bintana ng kotse.

"Ay, kalabaw!" Gulat kong sinabi. Akala ko kasi walang tao sa loob.

Pero ang mas nakakabigla sa lahat ay si Andrew pala ang nasa loob ng sasakyan. Nakangiti pa ito sa akin. 'Yung ngiti niya kanina sa conferrence room. Malagkit.

"Oh– h-hi," sagot ko sa kanya na medyo nahihiya.

Gosh! Naka-two points na ako sa lalaking 'to. Grabe!

"Oy, Trina bilisan mo naman dy– Hi, Andrew!" Lumapit sa akin si Anj na halatang kinikilig na naman. Hayst.

"Oh, hi Anj!" Bati naman sa kanya ni Andrew na nakangiti rin.

"Bakit nandito ka pa? 'Di ba, bukas pa start ng work mo?" Tanong sa kanya ni Anj.

Akala ko ba, huwag daw naming paghintayin si Jake? Hayst!

"Yeah. I was about to leave na rin. May dinaanan lang akong kaibigan malapit dito sa office. Kayo? Mukha atang may lakad kayo." Sabi nito, sabay tumingin sa akin nang sabihin niya ang huling tanong niya.

Napalunok ako.

"Oo, meron! 'Yung pinalitan mo kasi na si Jake, may pa-despedida dyan sa Metrowalk. Baka gusto mong sumama?" Anyaya naman sa kanya ni Anj. Sinamaan ko ng tingin ang babaita pero nginitian lang ako. Azaaaar!

"Nako, baka nakakahiya naman ata!" Pag-aalangan naman ni Andrew.

"Oo nga naman, Anj. Tsaka, baka may pupuntahan pa 'yang si Andrew." Agad kong sinabi bago pa maka-singit si Anj.

Nyeta 'tong Anjelica na 'to!

"Actually, wala naman akong gagawin." Sabi pa ni Andrew. Sabay tumingin sa akin at tinaas-baba ang kilay. Napaiwas ako ng tingin.

"Oh, ayun naman pala, e. Sumama ka na. Tsaka, para makilala mo rin si Jake." Gatong naman ni Anj.

Hay, nako! Ito talagang babaita na 'to. Basta makaharot lang, e.

"Okay lang ba?"

"Oo naman!" Pag-sang-ayon ni Anj.

Ngumiti ng malaki si Andrew. "Okay. Sabay na kayo sa kotse ko."

Patay!

"Wait lang. Paano sila Alan?" Sabi ko bago pa mabuksan ni Anj ang pinto ng kotse.

"Nauna na sila. Tagal mo kasi, e." Agad na sinabi nito. Binuksan na niya ang pinto ng kotse at agad na sumakay.

Napabuntong-hininga nalang ako at sumakay na rin.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kotse niya. Infairness, mabango sa loob.

No LabelWhere stories live. Discover now