(5) Like

41 3 0
                                    

(5) Like

"Okay. Linawin lang natin. Ibig sabihin, may jowa si Andrew?" Paulit ulit na tanong ni Anj. 🙄

Jusko! Naka-sampung tanong na siya sa akin. At sampung beses ko na rin siyang sinasagot ng, hindi ko alam.

"Hindi ko nga alam, 'di ba?" Inis na sagot ko sa kanya.

Huminto sa paglalakad si Anj at hinarap ako. "Kasama mo na siya kanina, hindi mo pa in-interrogate? Ano ba 'yan."

Inirapan ko siya. "Duh. Ano namang pakialam ko kung may jowa man siya o wala? Tsaka, wala ako sa posisyon para tanungin siya sa mga ganoong bagay. Lovelife niya 'yon at hindi kami close." Sabi ko at muling naglakad papuntang sakayan.

Patakbo namang sumunod sa akin si Anj. "Maski na! Moment mo na 'yun, eh. Malay mo, inlove pala siya sa'yo."

Pinambilugan ko ng mata si Anj. Ayan na naman siya. Ipipilit niya pa rin talaga na may gusto sa akin 'yung tao kahit wala naman.

But, on a second thought, medyo sumakit ng kaunti 'yung dibdib ko kanina n'ung sinabi niyang inlove siya. Pero, binalewala ko din naman.

Ayoko ngang maging asyumera, 'di ba? Lovelife niya 'yon, at may karapatan naman siyang mainlove.

Duhh! Hindi niya pa nga ako lubos na kilala, tapos maiinlove siya sa akin ng ganun ganun lang. Ano 'yon, realquick? 😒

"Malabong mangyari 'yon, mamsh. Trabaho lang 'to, at walang personalan."

Tinapos ko na ang usapan namin nang may dumating ng jeep.

Hindi ko na kinausap si Anj kahit panay ang tanong nito sa akin. Nakakarindi na.

Pagbaba ni Anj, ako naman ang sunod na bumaba sa street namin.

Diretso agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng pantulog.

Pagod na pagod ako ngayong araw na 'to.

Hindi lang 'yung katawan ko ang pagod. Pati itong puso ko.

Psh! Ayan ka na naman, Trina. Huwag tayong masyadong asyumera. Sige ka, kapag nafall ka dyan, sure ka bang sasaluhin ka niya?

Humiga ako sa kama ko at kasalukuyang nakatingala sa kisame.

Ewan, pero biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Andrew.

Bigla akong napabaliwas ng upo at mahinang sinampal sampal ang mukha ko.

"Trinaaaaaa! Tigilan mo nga 'yan. Ang kati mo! Huwag kang mahulog sa mokong na 'yon. Pangalawang araw mo palang siyang nakikilala." Sabi ko sa sarili.

Ano namang masama kung magkagusto ako sa kanya? Crush lang naman, eh. I mean, gwapo siya at professional. Sino ba namang babae ang hindi gugustuhin ng ganung lalaki?

Pero, wala akong planong mainlove sa kanya. As in, WALA!

Muli akong nahiga at naisipang magtipa sa cellphone ko.

Nag-scroll ako sa instagram account ko at naisipang hanapin ang pangalan ni Andrew.

Wait. Sure na ba talaga ako sa ginagawa kong 'to? Paano kung may makita akong hindi kaaya aya sa mata ko?

Luh. Ayan na naman siya. Kinaganda mo 'yang pagpi-feeling mo?

Well, ano naman ngayon kung meron man? Dapat ba akong maapektuhan?

At ayun na nga, hinanap ko ang pangalan niya. Nagtagumpay naman ako.

Walang bago sa feed niya. As usual, puro view photography ang makikita mo. Mga sikat na tourist spot at hayop sa iba't ibang bansa.

No LabelWhere stories live. Discover now