(3) Crush

62 2 1
                                    

(3) Crush

"Guysh... Salamat sa time niyo, ha? T-the best workmate talaga kayo! Hik!" Gumegewang na sabi ni Anj.

Kasalukuyan ko na siyang inaalalayan dahil lasing na lasing na 'tong friend natin. Tsk!

Ang hirap dito kay Anj, ang lakas mag-inom hindi naman kayang dalhin ang sarili. Hay!

"Sure ka ba Trina na kaya mong ihatid 'yang si Anj sa kanila?" Nag-aalalang tanong ni Alan.

Tumango ako sa kanya. "Oo, kaya ko na 'tong si ate girl. Ingat nalang kayo." Sabi ko pa at tumingin sa suot kong wrist watch. Alas tres na pala ng madaling araw.

"Alam mo, bakit hindi nalang kayo magpahatid kay Andrew." Suhestiyon naman ni Nicole at inginuso pa ang kinatatayuan ni Andrew. Nilingon ko naman iyon.

Kasalukuyang nakasandal si Andrew sa harapan ng kotse niya. Ngumiti ito sa akin.

"Okay lang. Kaya ko talagang ihatid si Anj." Dahilan ko.

Bakit kailangan ko pang magpahatid dyan kay Andrew. Kaya ko 'tong si Anj.

"Ay!" Bigla akong napasigaw dahil sumuka si Anj sa suot kong damit. Kaloka!

"Nakakaloka ka, girl!" Sambit ko habang nandidiring pinagmamasdan ang suka sa damit ko. Eww!

"Sumabay na kasi kayo sa'kin." Si Andrew ang nagsalita.

Hay nako! Ano pa bang magagawa ko? Alangan namang sumakay ako ng jeep na ganito ang itsura ko.

"Okay, thanks." Sabi ko. Lumapit sa akin si Andrew at kinuha si Anj. Pinasok niya ito sa likod na upuan ng sasakyan.

"Oh, mauna na kami sa inyo. Ingat kayo!" Paalam nila Jake sa akin. Tumango ako at nagpaalam din sa kanila. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ni Andrew.

"Thanks nga pala." Sabi ko pagpasok ng sasakyan.

"Don't swear it," nakangiting sagot naman ni Andrew habang minamaniobra ang sasakyan. "Turo mo nalang sakin kung saan ang daan." Sunod na sabi nito.

Tahimik lang ako habang nasa loob kami ng sasakyan ni Andrew.

Nahihiya akong magsalita dahil ang baho ng damit ko. Anong connect, Trina?

"Here," inabot sa akin ni Andrew ang bimpong puti.

"Thank you,"

Agad kong pinunasan ang suka ni Anj sa damit ko. Naglagay na din ako ng pabango para hindi mangamoy sa sasakyan ni Andrew ang suka.

"Labhan ko nalang 'to. Balik ko din sa'yo. Salamat." Sabi ko at inilagay sa bag ko ang bimpo niya.

"Okay lang, Trina." Sabi naman nito.

Agad akong napalingon sa kanya.

Sure ba siya? Ay, nako. Ayokong ng ganito, ah. 'Yung may maiiwang alaala sa akin ang lalaking crush ko.

OMG! Did I say na crush ko siya?

Well, konti lang naman. Oo, konti lang talaga!

"Ay, no. Lalabhan ko na. Or papalitan ko nalang." Giit ko.

"Bimpo lang naman 'yan. Marami ako niyan sa bahay." Sabi nito na nakangiti habang nakatitig sa akin.

OMG! Naalala ko na naman 'yung ginawa nya kanina. Shocks!

Well, hindi naman niya tinuloy. Pero, nako-concious lang talaga ako. Like, hello?! Nasa iisang sasakyan kami ngayon. Magkatitigan pa. And takenote, kanina lang kami nagkakilala. Duhh! Bakit may mga ganong eksena?

No LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon