(4) Partners

62 3 0
                                    

(4) Partners

"Ano na 'teh? Bakit late ka?" Pansin sa akin ni Anj nang makaupo ako.

"Anong ano na?" Sagot ko at nagpangalumbaba sa lamesa.

"Huy! Ayos ka lang ba? Ako 'tong may hangover sa walwal kagabi, pero parang ikaw 'tong lantang gulay ngayon. Anyare ba?" Pangungulit ni Anj.

Humarap ako sa kanya at nag-sad face.

"Hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko."

Tumaas ang kaliwang kilay ni Anj. "Anong ibig mong sabihin? Hindi mo pa 'ko diretsuhin, eh."

Waaaaah! Dapat ko bang sabihin kay Anj? Hmp. Parang huwag nalang. May pagka-tsismosa din kasi 'tong babae na 'to, eh.

Pero, in the first place, siya rin naman ang may kasalanan kung bakit ako naguguluhan ngayon.

Kinuwento ko kay Anj ang mga pangyayari kagabi. Mula sa pagtangkang halikan ako ni Andrew (ehem), sa paghatid namin sa kanya, paghatid niya sa bahay ko at 'yung mga titigan namin bago siya umalis.

"OMG!" Sabi nito na hanggang ngayon ay naka-uwang parin ang bibig sa gulat.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Okay," Sambit ni Anj nang maanalyze niya na ang lahat. "Go with the flow ka nalang, mamsh. Tsaka, siya na ang gumagawa ng move, oh. Choosy pa ba?"

"Mamsh, alam mo namang ayoko pang mainlove ngayon. Masyado pang masakit ang last heartbreak ko. I'm not ready."

"Ano ka ba? Baka kaya dumating sa buhay mo si Andrew ay para tulungan kang mag-move on?" Tudyo nito.

Gusto kong maniwala sa sinasabi ng kaibigan ko. Pero, paano kung pinapasakay lang ako at kagaya lang din siya ng mga lalaking nanakit sa'kin? Eh 'di, kawawa ang lola niyo? 😩

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"Duhh! Hindi ba obvious sa mga kinuwento mo? Malamang na may gusto sa'yo 'yun." Panghuhula nito.

Wow! Gusto agad? Eh, kahapon palang naman kami nagkakilala. Pwede ba 'yon? Tss. 🙄

"Anj, kahapon lang natin siya nakilala. Tapos feeling mo na may gusto na kaagad siya sa'kin? Ogag ka ba?"

"Trina, Hindi malabong mangyari 'yon. At saka, hindi ka naman mahirap magustuhan, eh. Aminin natin, kahit na mas maganda ako sa'yo, may sarili ka namang ganda na sa tingin ko ay nakita sa'yo ni Andrew at hindi sa akin." Pamimilit pa nito.

Hindi pa din ako naniniwala na magugustuhan agad ako ni Andrew. Like, duh! Walang ganon. Mapilit lang talaga 'tong si Anj para may ma-issue sa akin. Tss.

"Ewan ko sa'yo. 'Wag na nating pagtalunan pa 'yan."

"Bahala ka. Ako na ang nagsasabi sa'yo, Trinity. I-grab mo na 'yang si Andrew bago pa malandi ng iba 'yan." Habol pa ni Anj bago tuluyang umalis sa harap ko.

Tss. Eh, ano naman kung malandi siya ng iba? Keber ko!

Patayo na sana ako nang makabunggo ko si Andrew sa pasilyo ng table ko.

"Sorry!" Sabay naming sabi.

Ngumiti ito sa akin habang ako naman ay napayuko.

Ano na namang eksena 'to? 🙄 Ang aga aga, ganito agad ang bubungad sa akin. 😊

"Hi, Trina." Bati nito.

"Hi," Nananatili parin akong nakayuko.

Teka, bakit ba ako yumuyuko? Ano 'to, hiyang-hiya lang ako sa mga nangyari kagabi? NO!

No LabelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora