SIMULA

17.4K 529 97
                                    

BLOODLINE SERIES: HIS DEADLY BULLET
SIMULA

"Aminica! Ikaw na ang susunod!" sigaw ng aming floor director. Inayos ko ang pagkakakulot ng aking buhok habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

I am wearing a full make-up. Dark smokey eye shadow with full length false eye lashes, glittering blush on and a bloody red lipstick. Gusto kong sa kahit ganitong paraan ay maitago ang aking pagkakakilanlan.

Malungkot akong ngumiti, kinuha ang dalawa at malalaking bangle earrings at isinabit sa magkabilang tenga. Malalim akong humugot ng buntong hininga bago tumayo at binaklas ang pagkakabuhol sa suot na roba.

Isang manipis at makintab na telang kulay malamaya ang aking suot. Hapit na hapit sa katawan ko at hanggang isang pulgada lamang ang tabas mula sa aking pang-upo. Kitang-kita ang kurba ng aking katawan. Halos lumuwa na ang puno ng aking dibdib sa baba ng neckline na umabot hanggang sa bandang pusod.

Kumuha ako ng oil at pinahiran ang aking mga hita, pati narin ang aking mga braso't ilan pang parte ng aking katawan. Nang makontento ay pumwesto na ako sa entabladong natatabingan ng mahabang telon. Hinihintay ang oras para sa nalalapit na pagtatanghal.

Narinig ko ang pagdagundong ng palakpakan, hudyat nang pagsisimula. Nasundan ito ng isang malamyos na musika kasabay ng pagtaas ng telon.

Naghiyawan ang mga naroon nang makita ako. Lahat ng mga mata ay nakapako sakin.

Nagsimula akong gumiling at nagpadala sa daloy ng musika. Pinasadahan ko ng haplos ang aking buhok pababa sa aking leeg, sa dibdib, sa bewang hanggang sa gitna ng aking mga hita.

Naghiyawan sila, lahat ay isinisigaw ang aking pangalan. Aminica.

"Fvck! How much is this girl?" rinig kong saad ng isang lalaki. Tiningnan ko sya at nginitian. Nakagat nito ang pang-ibabang labi at gumanti ng ngiti.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng lugar. Lahat ng mga kalalakihan ay nagwawagayway ng kanilang makakapal na pera sa ere.

Muli silang nag-ingay nang abutin ko ang zipper sa suot na damit at dahan-dahang hinubad.

May isang lalaking lumapit sakin, hawak ay puro perang papel. Hinalikan niya ang aking leeg at isinuksok ang pera sa aking bra na nakalitaw na.

"How much is your performance in bed, sexy?" bulong nito. Hinaplos ko lamang ang kanyang pisngi at nginitian bago itinulak palayo.

Muli akong umindayog. Tuluyan ko nang hinubad ang aking damit at iniwan ang aking mga damit panloob.

Nagsigawan ang lahat. Dumami ang mga lalaking lumalapit sakin. Isinusuksok nila ang kanilang mga pera sa kahit saang parte ng aking katawan.

Napuno ng pera ang aking pang-itaas at gayon din ang aking pang-ibaba.

"Come on! Do some magic, sexy! Show us your tricks!"

Muli akong gumiling. Inabot ko ang tali ng aking pang-itaas at unti-unti itong tinanggal. Tumalbog ang aking malalamang hinaharap. Bumagsak ang mga perang nakasuksok rito.

Gumiling ako ng gumiling, sinasabayan ang awit ng musika't sayaw ng mga d'kulay na ilaw.

Sa gitna ng pagtatanghal ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero parang may pwersang humihila sakin na lingunin ang dulong bahagi ng lugar.

Sa pagpasada ko ng tingin sa dagat ng kalalakihan ay isang pares ng mga mata ang nakakuha sa aking atensyon.

Bumagal ang aking naging pagsayaw.

Isang matipunong lalaki ang may ari ng nakakaliyong mga mata. Nakaupo siya sa malayong parte at pinagigitnaan ng mga unipormadong lalaki.

His hawklike eyes is watching me under the rim of his brandy glass.

HIS DEADLY BULLETOnde histórias criam vida. Descubra agora