KABANATA 2

9.2K 402 116
                                    

KABANATA 2

BUONG gabi akong binagabag ng mga natuklasan mula kay Andrea. Palaisipan sakin ang sinabi nito tungkol sa walong babae. Kung ganoon ay hindi lang pala ako ang posibleng kinausap nito...marahil ay marami kami.

Ayaw kong panghinaan ng loob pero nauunahan ako ng takot. Paano kung totoo nga? Paano kung maging isa ako sa panibagong mga babaeng gusto nitong kolektahin? Marami pa akong mga plano sa buhay at hindi kasali doon ang maagang pagharap kay kamatayan.

"Haay! Bwesit yung matanda kanina. May pahimas-himas pa pero hindi naman pala magbibigay ng tip! "

Padabog na isinarado ni Andrea ang pinto. Kinalas niya ang tali ng kanyang buhok at ginulo ito. Pasalampak syang umupo sa tabi ko.

Bahagya akong napangiti at napailing. Busangot na naman. Inabutan ko sya ng tubig na kaagad naman nitong nilagok.

"Baka naman gipit...o hindi lang kayo nagkasundo sa presyo."

Sinamaan nya ako ng tingin at pabirong inirapan. Ipinatong niya ang magkabilang paa sa mesang pinaglalagyan ng mga pampaganda. Dito kami nagpapalipas ng oras kapag break-time.

"Naku! Huwag siyang umapak dito kung gipit siya. Walang libre-libre dito! Aba't inalok pa ako sa itaas...limang libo raw? Eh tip ko lang iyan sa mga kano! Magsarili nalang sya kung ganoon!" reklamo nito. Bahagya akong natawa.

Wala talagang preno ang bibig niya kapag galit. Ganito nalang parati ang nangyayari kada minamalas siya sa mga nagiging kostumer. Hindi ito namimili ng pinagsisilbihan. Basta ba'y may datong at kayang magwaldas ng pera ay pinapatulan nito.

Napailing na lamang ako at itinuloy ang naantalang pag-aayos sa sarili. Minuto lamang ang hihintayin ko at sasalang na naman sa entablado.

"Aray naman!"

Nasapo ko ang balikat nang tampalin ako nito roon ng malakas. Napasa'ere ang hintuturo niya na wari'y may nakaligtaan.

"Nakalimutan ko kung ano ang ipinunta ko rito!" Nanlalaki ang mga mata niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang himas-himas ang nasaktang balikat.

"Maraming mga ano..mga lalaki sa labas. Nako Aminica iba ang aura ngayon doon. Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon pero basta may kakaiba." Pinapaypayan nito ang sarili na wari'y naiinitan. Napataas ako ng kilay.

"Anong kakaiba roon? Hindi ka pa ba sanay? Pugad ng mga kalalakihan itong club. Walang kakaiba sa pagdagsa ng sinasabi mong mga kampon ni adan." Padarag akong tumayo at binaklas ang soot na roba.

"E'paano kung sabihin ko sayo na ang mga sinasabi kong lalaki na umaaligid sa labas ay ang mga personal na tauhan ni sir Antonio? Pangkaraniwan pa rin ba iyon? "

I stiffened.

"Ano? Kung ganoon ay narito sa gabing ito si sir Antonio?"

Halos mabitawan ko ang hawak na brush sa narinig. Napalunok ako ng wala sa oras. Bigla akong nakaramdam ng ginaw kaya napayakap ako sa aking sarili. Parang umaayaw ang katawan kong magpresinta sa entablado.

"Mga personal na tauhan niya ang sinabi kong nasa labas at hindi siya mismo. Huwag kang paranoid Aminica! Pati ako kinakabahan sayo!"

"Ikaw na mismo ang nagsabi Andrea, nasa labas ang mga personal niyang tauhan. Ibig sabihin maaaring naririto lang rin sya."

"Dyan ka nagkakamali. Tinanong ko na iyan kay miss V. Kompirmadong wala siya rito ngayon."

Napahawak ako sa aking dibdib at nakahinga ng maluwag. Hinaplos ko ang aking batok, madiing pumikit at isinandal ang sarili sa mesa.

HIS DEADLY BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon