KABANATA 1

8.2K 431 76
                                    

KABANATA 1

DOBLE-DOBLE ang aking kaba habang sinusundan ang yapak ni Miss V. Binabaybay namin ang higanteng hagdanan papunta sa ikatlong palapag kung saan naroroon ang naglalakihan at pribadong silid ng magkakapatid na Montelibano.

Isa lamang sa libo-libong ari-arian ng magkakapatid ang naturang gusali. Nahahati ito sa tatlong debisyon. Nasa unang palapag ang casino, billaran at ang clubs. Nasa pangalawa naman ang mga paupahang silid para sa isang gabi ng kaligayahan.

Simple lang ang buhay ko noong hindi pa ako napunta sa ganitong trabaho. Ang paglalako ng mga tuyo sa palengke ang pinagkakakitaan ko, tulong narin sa ama kong mangingisda at sa imbaldadong ina.

Nasa edad labing lima ako nang makilala ko si Miss V. Isa ito sa sumulsol sakin na iwan ang probinsya at lumuwas ng Maynila. Pinangakuan ng magandang trabaho, iyong klase ng trabahong kikita ka talaga ng malaki. Lingid sa kaalaman ko ay naisangla na pala ako nito sa isang club at iyon ang club na kinabibilangan ko ngayon. Ang club na pagmamay-ari ng mga Montelibano.

"Aminica..." Napukaw ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang aking pangalan. "...narito na tayo."

Napatingin ako sa isang kulay lupang pinto at napahugot ng malalim na buntong hininga nang mabasa ang nakaukit sa mismong pinto. Antonio Luis Montelibano. It was carved with gold cursive letters.

Hindi na biro ang pagbundol ng aking dibdib sa kaba.

"Gaya ng patakaran natin sa ibaba ay ganon rin ang magiging patakaran dito. Kung ano man ang mangyayari sa loob ay hindi mo maaaring dalhin sa labas."

Napatango ako at nagbuga ng hangin, napatingin sa kamay niyang may hawak sa siradura.

"Kinakabahan ka?"

Kabado akong tumango.

"Oo. Sobra. Wala akong ideya sa magaganap sa loob. Kung bakit nito hiniling ang presensya ko." Pinasadahan ko ng haplos ang aking buhok.

Madiin itong pumikit at bumuntong hininga, pagkatapos ay muli akong tiningnan.

"To be honest, ayaw kong ikaw ang mapili, Aminica. You are one of my big assets.
Kawalan ka sa club kapag nagkataon."

Parang may alam itong dapat kong ipangamba. Na dapat kong ikabahala.

"M-may ideya ba kayo kung bakit ako ipinatawag?" I asked softly. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nagawang hindi maganda kung ang trabaho ko dito ang pagbabasehan. Lahat naman ng utos ay ginagawa ko at never akong umabsent kahit nagkakasakit.

Sumiklab ang pagdududa ko nang mag-iwas ito ng tingin. I drew in and let out a slow—careful breath. Inayos ang bahagyang nagusot na damit.

"Itinago kita sa mata ni sir Antonio sa mahabang panahon dahil alam kong sa oras na magkita kayo ay ikaw na kaagad ang dadamputin nito. Malaki ang ibinibigay mong kita sa club. Nagkataon lang talaga na nandon siya sa araw ng pagsasayaw mo."

Tilay mga bugtong ang sinasabi nito. Hindi malinaw ang sagot. Hindi niya direktang sinabi sakin ang dahilan kung bakit ako naparito.

"Sa palagay ko ay kailangan mo nang pumasok. Kontrolin mo ang sarili mo dahil sa oras na pumasok ka sa silid na ito ay tanging ang sarili mo lamang ang magliligtas sayo. Hanggat maaari ay ilayo mo ang sarili mo sa kanya."

Kasabay nang pagbitaw nito sa salita ay ang pagpihit niya sa siradura. Kakaibang awra ang sumalubong sa akin. Nangatog ang aking mga tuhod. Nasa bungad pa lamang ako at hindi pa tuluyang nakakapasok ngunit ganito na katindi ang epekto.

"What took you so long to get in?" Ramdam ko ang paninigas ni miss V na nasa aking gilid.

Ang baritonong boses na iyon.

HIS DEADLY BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon