KABANATA 4

2.9K 160 47
                                    

KABANATA 4

"I want to see the details."

Umupo siya sa katapat naming sofa. Kaagad rin namang tumabi si Arci sa kanya. Napatikhim ang dalawang intsik at may inilapag sa lamesang nasa pagitan. Bumundol ng malakas ang aking dibdib, nanindig ang mga balahibo sa batok at nakaramdam ng biglaang ginaw.

"This is the contract. Mr. Lim is waiting for your approval." saad ng katabi ko gamit ang matigas at paputol putol na ingles.

Napatingin si sir Anton sa kanya. Wala akong nakuha ni sulyap man mula sa kanya. Dapat ko iyong ikatuwa ngunit parang may mali. Sinasadya niyang iwasang maghinang ang linya ng aming paningin.

"This will be sealed base on how and what can you offer us. I want to have the list of benefits. The rules and the sealed documents."

Napatuwid ng upo ang dalawang intsik at tumango-tango.

May mga dokumento silang inilahad kay Sir Anton. Kung hindi tango ay pagkunot ng noo ang nakukuha nilang reakyon mula rito. Nanatili kaming nakatingin sa kanya na matamang binabasa ang nakasulat sa hawak nitong dokumento.

"Where is the original copy of this? The measurement is not indicated. How can I be sure that the island is worthy of my wasted millions?"

Ramdam ko ang awtoridad sa tinig niya.

Napadako ang tingin ko kay Arci na pasimpleng humihilig kay sir Anton. Nasa hita nito ang kamay niya at hindi ko makitaan ng pagtutol sa mukha. Nga naman, sino ba naman ang aayaw kay Arci? Bukod sa maganda at sexy ay sadyang magaling ito pagdating sa pagpapaligaya.

"We'll send you the original copy once the documents are sealed."

Padarag na itiniklop ni sir Anton ang hawak na mga papel at itinapon sa mesa. Ramdam ko ang panlalamig ng aking katabi. Who wouldn't? Hangal lamang ang magtatangkang galitin ito.

"Then consider this meeting adjourned. I don't want a photocopy. That's an insult to my capability. Ring my secretary if ever you have the documents in hand."

Tumayo siya at inayos ang cuffs ng suot. Sabay ring napatayo ang dalawang intsik. Nasa mukha ng mga ito ang pangungumbinsi ngunit hindi natinag si sir Anton. Halos mapalundag ako sa kaba ng bigla ako nitong tingnan.

"Follow me miss Cortes. I want to have a word with you." Aniya bago naglakad palabas.

Nanginig ang aking mga binti. Tinugon ko ang utos niya't sumunod. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo nang isinandal niya ako sa pader. Kaagad nag-iwas ng tingin ang mga tauhan niyang nakasunod samin. Rumagasa ang pagputok ng kaba sa aking dibdib. Tilay libo-libong kabayo ang nanggugulo roon. Mabigat at masikip sa dibdib.

Nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko napaghandaan ang pagsakal niya sakin sa leeg. Wala iyong pwersa ngunit nakakatakot parin. Nagbaba ako ng tingin sa mga ugat sa braso niya. Hindi ko kaya ang intensidad ng kanyang mga mata.

"Careful Aminica. Stay pure at the end of the month. Never do anything that will make me go beyond my plans. I am watching you." saad niyang puno ng pagbabanta. Wala sa sarili akong napatango, dala narin sa takot.

"Anton!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Apat na pulgada mula sa kinatatayuan namin ay naroron ang isa sa mga magkakapatid na Montelibano. Mag-isa lamang ito at kapwa nasa bulsa ang mga kamay. Bahagyang yumukod ang tatlong lalaking kasama namin. Nagbibigay pugay sa presensya ng isang Montelibano.

"Ano ang ginagawa mo rito Arturo?" saad ni sir Antoniong hindi parin gumagalaw mula sa pagkukulong sakin sa pader. Ni hindi nito nilingon ang kapatid.

HIS DEADLY BULLETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon