Chaos 44 - 2nd part Start

163 8 6
                                    

Marilao, Bulacan Philippines

Jihoon's

Napahinga ko ng malalim bago tumingin sa baba.. As usual, Baha na naman. Sa halos magiisang taon kong pamamalagi dito nasanay na ko. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Jihoonie~" Nakaramdam ako ng yakap sa bewang ko.. Hindi ko napigilan ang ngiti ko.. "Tara na.. Andun na yung groupmates natin sa kwarto.. Hindi ko talaga magets kung bakit group at hindi by pairs nalang ang thesis natin."

"Lol. Wag kang magpout dyan. Tara na." Yun lang ang sabi ko at dire-deretsong pumasok sa loob. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko pa sya. Bitter pa naman mga tao dito sa Pinas kaya bawal ang PDA.

Naalala ko tuloy nung first day na naging kami.. We kissed in the middle of the University's garden and guess what? Pinagbabato lang naman kami ng mga bitter na tao ng kung ano-ano.

Nakaramdam ako na may nagcling sa braso ko. I looked to the side at sya lang naman pala.

"Ann nagiging sobrang clingy mo na ah." Bati nung isa naming kagrupo na kaibigan nya..

"Wala kayong pake dahil walang makakapigil sakin." Napailing nalang kami. Kahit kailan talaga.

"Anong nabunot nyong topic para sa Thesis natin?" Tanong ko kay Annie na leader ng group namin.

"Realization."

"About what?"

"About Fate, Destiny, and Love"

"Anla? Bakit may ganyang topic? Connected ba yan sa kinuha nating course?" Nawi-weirduhang tanong ni Abby.. Nagsimula na silang magusap ng kung ano ano.. Habang ako, eto at parang binuhusan ng malamig na tubig.

You're meant for each other. You're meant to be happy together.

Yun ang huling salitang sinabi sa akin ni Chan neul..

Im wondering. Ano nga bang nangyari kung maaga akong nagising? Would my relationship with Seungcheol survive? Or it will remain the same as now.

10 months had past. But still, questions are still over flowing in my mind. Im longing for him. I miss him. Every night bago ko matulog, i feel nostalgia. Nakakainis.

Nakakainis dahil nagawa kong manakit ng tao para lang mawala yung sakit na nararamdaman ko noon. Tinignan ko ang babaeng katabi ko.

Ann Rion

I didn't mean to use her. Pero wala eh. Bigla nalang syang sumulpot sa kung saan at inaya akong makipagdate sa kanya. She gives me happiness— pero hindi katulad nung kay Seungcheol.

Ghad! I really miss him, and of course, The whole Gang. Marahil ay nagtataka na ang mga yun kung bakit bigla nalang ako nawala. Hindi ko rin naman alam kung bakit mas pinili kong umalis ng wala sya.

Ano nga bang nangyare?

It happened. Ang kitatakutan ng mga angel na pumoprotekta sa storya namin. Someone came and ruined our almost finished story. And guess who?

It was Jeonghan. None other that Yoon Jeonghan. My Bestfriend, My hyung. He came to us. Crying. Begging. Im not heartless pero hindi ko kayang pakawalan si Seungcheol.. I told him that. At nagalit sya

What shocked me the most is what he said.

"Magpapakamatay ako kung hindi mo ibibigay sakin si Seungcheol. You dont want your hyung to die in misery, right Jihoon?"

His eyes are pleading. Ayokong bumitaw. I didn't. But Seungcheol did. He let go of my hands.. Hugging Jeonghan.. While saying comforting words to him. .

Nakakatawa. He smiled at me while looking into my eyes. He said something im dying to hear again.

"I love you."

3 words. 8 letters. 3 syllables. Yet, made a big impact to my life.. Yun lang ang sinabi nya. Before leaving my unit with Jeonghan in his arms.

Napatingala ako ng makaramdam ako ng mga patak ng tubig sa mukha ko.. Umaambon na pala. Tch. Nakalimutan ko pa man ding dalhin yung payong ko. Ano oras na din. Medyo late narin kasi nung naisipan naming umuwi at bukas nalang ituloy pa yung drafting namin para sa thesis. Hinatid ko rin si Ann dahil ayoko namang magalit si Tita sakin.

Mabuti narin at bandang bundok itong Florida— Yung subdivision na tinutuluyan ko— kaya hindi na babaha.. Tumango ako kay Manong guard na madaanan ko ang guard house.

"Ay ser?"kunot noo naman akong napatingin sa kanya.

"May Koreano pong naghahanap sa inyo kanina.. Anim po sila eh. Pinapasok ko na po dito kasi nagpakita naman po sila ng Ebidensyang kaibigan mo sila.. Baka po nagaantay na sila sa Tapat ng bahay nyo." Nagpasalamat muna ko bago naglakad paalis..

Sino kaya yun?

Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba. Possible kayang-----

"JIHOONIE~"

Chaos|JiCheolNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ