ANG DESISYON NG REYNA

195 10 3
                                    





Kapansin pansin na may malalim na iniisip si Reyna Bethania, nakatingin ito sa kawalan sa kanyang bintana. Sa mga oras na iyon, ang liwanag sa kanyang mukha ay pansamantala niyang tinanggal. Habang ang reyna ay nasa kanyang silid hindi niya napansin ang pagpasok ng isang diwata at ito ay naupo na lamang sa upuang malapit sa pinto. Habang ang diwata ay nakatingin sa reyna ibinuka nito ang kanyang palad at lumabas ang isang puting puting bulaklak. Hindi nagtagal at tumayo ito at lumapit sa likod ng reyna.

"Mahal na Reyna, napansin kong may malalim kang iniisip, pwede ko bang malaman, baka may maitulong ako?" pagtatanong ni Kenya, matalik na kaibigan at taga-payo ng Reyna

Napalingon si Reyna Bethania sa kinaroroonan ng tinig.

"Ah ikaw pala Kenya, masaya akong makita ka"

"May masaya bang wala man lang ngiting nasisilayan sa iyong mga labi, ano ba ang iniisip mo? Pati pagdating ko ay hindi mo man lang napansin, may 10 minuto na ako dito at pinagmamasdan ka lamang" sambit ni Kenya at iniabot ang puting rosas sa kaibigan

"Salamat....wala naman, iniisip ko lang, marahil ay panahon na upang ipadala ko si Daffodil sa mundo ng mga tao. Sapat na ang panahon ng pagsasanay niya." Inamoy ang puting rosas

"Bakit parang nag-aalangan ka? Ngayon lang kita nakitang ganyan, marami ng suliranin sa ating kaharian ang dumaan ngunit ngayon lang kita nakitang ganyan. Di ba panahon na para magkita ang mag ina?" tugon at tanong ni Kenya

"Huwag kang maingay at baka may makarinig. Hindi ko nga makumpirma kung sya nga ang anak ng aking kapatid, napakalakas ng kapangyarihang pumapaloob sa pagkatao ni Daffodil. Hindi ko nga alam kung paano at bakit sya napunta dito sa mundo natin. Pilit kong inaalam ngunit may kung ano ang pumipigil sa aking isip para malaman ang katotohanan"

Inilapag ang rosas sa harap ng kanyang tokador. Naglakad ang reyna patungo sa kanyang higaan at naupo.

"Sana hindi ako nagkamali sa aking desisyon na gawing diwata ng mga tao si Daffodil. Alam natin na mas makapangyarihan ito, tulad ng kapangyarihan ng aking kapatid o mas malakas pa ito kesa sa kanya. Masyado na akong nababahala, kaya tinanggap ko sya dito dahil kapag lumaki sya sa maling tao, baka gamitin lamang sa masama ang kanyang kapangyarihan."

Lumapit si Kenya sa kanyang kaibigan at tumabi ito sa kanyang pagkakaupo.

"Kaya hinayaan mong si Halmin ang mangalaga kay Halmin dahil alam natin kung anong klaseng diwata ito. Naisip mo rin bang panahon na para patawarin at pabalikin si Prinsesa Miseya? O mas nais mong ihanda si Daffodil para humalili sa iyo bilang Reyna ng kahariang ito?" tanong ni Kenya sa kaibigan

"Nais ko pang matuto si Daffodil. Masyado pa syang bata. Sa ngayon ay wala pa akong desisyon kung pababalikin ko na ang aking kapatid o karapatdapat nga bang si Daffodil ang humalili sa akin bilang Reyna."

Maya maya ay muling bumalik ang liwanag sa mukha ng reyna, sabay tawag sa kanyang mga kawal.

"Ipinag-uutos ko. Pumunta kayo sa kubol si Halmin at sabihan ito na panahon na upang ipadala si Daffodil sa mundo ng mga tao. Sabihan si Daffodil na ihanda na nito ang kanyang sarili. Dalhin na ninyo siya sa lagusan patungo sa mundo ng tao."

"Masusunod po mahal na reyna!" sabay sabay na nagbigay galang at umalis ang mga kawal.

------

Biglang lumamig sa paligid ng bahay nila Halmin.

"Parating na ang mga kawal ng reyna!" biglang lumitaw sa harap ni Daffodil si Angihan. Nagulat ang mag ina.

"Ano yun Angihan?" tanong ni Halmin habang nag-aayos ito ng kanilang gamit.

Diwatang de KampanaryoWhere stories live. Discover now