Ang pagsasanay

275 12 0
                                    



"Halika, pumasok ka anak" aya ni Halmin kay Daffodil

"Heto na ngayon ang iyong tahanan, dito ka matutulog sa kwartong ito" itinuro ni Halmin ang kwarto sa bandang kanan sa lugar kung saan sumisikat ang araw sa umaga.

"Salamat po ina" sabay yakap kay Halmin.

"Sige, pumasok ka muna sa iyong silid at magpahinga, maghahanda ako ng makakain natin, tatawagin na lamang kita" utos ni Halmin kay Daffodil

Makalipas ng halos isang oras. Kumatok si Halmin sa silid ni Daffodil

"Anak, gising na! Kumain na muna tayo at may importante rin akong sasabihin sa iyo" sambit ni Halmin habang nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto ni Daffodil

"Ang sarap ng naaamoy kong pagkain, ina!" nakangiting sabi ni Daffodil pagkabukas ng pinto ng kwarto

"Oh, sya, bilisan mo na at kumain na tayo"

Pagkatapos kumain nila Daffodil at Halmin. Masayang nagtulungan ang dalawa sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Maya maya ay may kumatok sa pinto.

Tok! Tok! Tok!

"Sandali lang po!" patakbong lumapit si Daffodil sa may pinto

"Sino po sila?" tanong ni Daffodil sa kaharap na diwata

"Andyan ba si Halmin? Pakisabi na nandito na ako, si Malandaya"

(Si Malandaya ay gabay ng mga diwata, ang katungkulan nito ay ang sanayin sa paggamit ng kapangyarihan ang mga diwata. Nakasuot ito ng babaeng pandigma, kulot ang buhok na nakatali. Kayumanggi ang kulay ng balat, matipuno ang pangangatawan na parang lalaki, mataas at matikas)

Napasilip si Halmin sa may pintuan at masayang lumapit at yumakap kay Malandaya.

"Daffodil, heto nga pala si Malandaya, sya ang diwatang magsasanay sa iyo" pagpapakilala ni Halmin kay Daffodil

"Ah! sya pala si Daffodil, napakagandang bata. Hhhmmm...mukhang madaling matututo ang batang ito" masayang banggit ni Malandaya

"Tumayo ka nga iha!, patingin ang iyong kanang palad"

Habang pinagmamasdan at hawak ang palad ni Daffodil ay idiniin ni Malandaya ang kanyang hinlalaki sa gitna ng palad ng bata. Maya maya ay may unti unting lumabas sa palad nito na makinang na kahoy.

"Oh ayan! Heto ang iyong mahiwagang baton"

Pagkahawak ni Daffodil sa baton ay unti unti itong humaba at nawalan ng kinang, nagmukha itong ordinaryong kahoy.

"Para po saan ito?" tanong ni Daffodil

"Ang mahiwagang baton na iyan ang gagamitin mo sa iyong pagsasanay upang mailabas ang iyong kapangyarihan. Dyan masesentro at maiipon ang iyong kapangyarihan. Pwede ring mag iba ng anyo ang baton na iyan tulad ng lubid, espada at kung ano ang iyong iuutos na maging anyo nito" sambit ni Halmin

"Daffodil, maya-maya ng konti ay magsisimula na tayong magsanay sa labas. Maghanda ka na. Titingnan ko kung kaya mo nang gamitin at kontrolin ang iyong kapangyarihan gamit ang iyong baton. Susunod iyan sa lahat ng ididikta ng iyong utak" paliwanag ni Malandaya

Saglit lang, kausapin ko muna ang iyong ina.

Habang nag uusap si Malandaya at Halmin. Umupo si Daffodil sa upuan malapit sa bintana. Naging palaisipan kay Daffodil kung pano gamitin ang baton at kung pano sya magkakaroon ng sinasabi ni Malandaya na kapangyarihan. Habang pinagmamasdan nya ang baton ay parang may naririnig syang tinig na nagmumula rito ngunit hindi nya maintindihan. Nagulat pa sya ng hawakan ni Halmin ang kanyang balikat upang kunin ang kanyang atensyon at ayain na ito palabas ng bahay.

"May problema ba Daffodil?" tanong ni Halmin sa anak

"Wala naman po, iniisip ko lang po kung pano ako magkakaroon ng kapangyarihan sa pamamagitan ng baton na ito"

"ipapaliwanag sa iyo lahat yan mamaya ni Malandaya, magtiwala ka lamang anak" tugon ni Halmin kay Daffodil, sabay hawak sa kamay nito habang palabas ng bahay.

"Halika dito Daffodil"  yaya ni Malandaya

Lumapit si Daffodil sa kinaroroonan ni Malandaya habang si Halmin naman ay naupo sa isang kabute sa tapat ng bahay nila.

"Hawakan mo ang iyong baton gamit ang iyong kanang kamay (ipinakita ni Malandaya kung papano hahawakan ang baton). May likas ka nang kapangyarihan sa iyong katauhan ngunit hindi mo pa kakayaning kontrolin ito. Kakailanganin mo ang baton na ito upang maisentro ang iyong kapangyarihan" paliwanang ni Malandaya kay Daffodil.

"Upang mailabas mo ang iyong kapangyarihan, kailangang isipin mo kung ano ang kailangan mo. Sa oras na naisip mo na, may maririnig kang tinig na magsasabi sa iyo na nailipat mo na ang iyong kailangang kapagyarihan sa baton at handa na itong gamitin, magtatanong ito kung gagamitin na ba ito at pakakawalan na." 

"Ah! kaya po pala may naririnig akong nagsasalita kanina, ngunit hindi ko po maintindihan" sambit ni Daffodil

"Narinig? Kay bilis naman yata? Wala pa ang ritwal ng pagdudugtong ninyo ng baton at nakikipag usap na ito sa iyo?" pagtataka ni Malandaya

"Hindi po ako nagbibiro, may naririnig po akong maliit na tinig kanina na nagmumula sa baton" 

"Oh sige, ipagpatuloy na natin. kapag ang tinig ng baton ay nagsabi na sa iyo na pwede nang pakawalan ang iyong kapangyarihan ay magagamit mo na ito. Sa paglipas ng panahon, magiging isa na kayo ng baton at kung ano mang iutos mo na gawin nito at kusa na itong lalabas at ang tinig na naririnig mo ay mawawala na dahil magiging isa na kayo"

"Ngayon, gawin na natin ang ritwal  ng pagdudugtong. Tumayo ka Daffodil ng diretso, hawakan ang baton at itapat ito sa iyong puso, ipikit ang iyong mga mata at kausapin mo ang baton at hingin ang tiwala at tulong nito."

Ginawa ni Daffodil ang lahat ng sinabi ni Malandaya at maya maya at itinaas na ni Malandaya ang kanyang baton at itinapat sa ulo ni Daffodil. Naglabas ito ng liwanag at binalot si Daffodil. Pagkatapos nito ay biglang nawala sa kamay ni Daffodil ang kanyang baton. Napadilat ito at hinanap ang baton.

"Bumalik ang iyong baton sa iyong kanang palad. Ibuka mo lamang ang iyong palad at kusa na itong lalabas." paliwanag ni Malandaya

Ginawa nga ni Daffodil ang utos ni Malandaya at lumabas nga ang kanyang baton, ngunit iba na ang kulay nito, naging kulay berde na may maliit na dahon sa dulo.

"Bakit nagbago po ang hitsura at kulay ng baton ko?" pagtatakang tanong ni Daffodil

"Marahil ng ipinikit mo ang iyong mata, iniisip mo ang iyong ina. Si Halmin ang diwata ng halaman, kaya ang iyong baton ay sumunod sa iyong iniisip at nararamdaman. Huwag kang mag alala, magbabago pa ang anyo nito. Magsanay na tayo upang maihanda na kita bago ka pumunta sa mundo ng mga tao."

"Mundo po ng mga tao? ano po iyon? saan po yun? kasama ko po ba ang aking ina?" sunod sunod na tanong ni Daffodil

Walang sinagot si Malandaya sa mga tanong ni Daffodil. Bagkos inutusan niya itong humanda na sa pagsasanay.

Tinuruan ni Malandaya si Daffodil sa tamang paggamit ng baton at kung papaano maililipat ang kapangyarihan sa loob nito. 

Samantalang si Halmin ay pumasok sa loob ng kanilang bahay upang maghanda ng kanilang meryenda.

Makalipas ng ilang oras.

"Ayan! kayang kaya mo na, mahusay ka talaga Daffodil, ang dali mong matuto. Oh pano sa ngayon ay tama na muna ang pagsasanay natin, halika na... magpahinga at kumain muna tayo, mukhang masarap ang niluto ng iyong ina. Nakakagutom ang amoy nito" aya ni Malandaya kay Daffodil

Magkahawak kamay si Daffodil at Malandaya na pumasok sa bahay.

Diwatang de KampanaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon