Ang Pagbabago

95 5 3
                                    

Habang nakaupo si Odin sa hardin, naputol ang kanyang pagmumuni muni ng maamoy niya ang isang pamilyar na amoy sa kanyang paligid. Agad itong tumayo upang alamin at sundan ang pinanggagalingan ng mabangong halimuyak na iyon. May isang aninong nagmamadaling umalis sa lugar na kanyang kinatatayuan ng mapansin niyang papalapit na si Odin sa kanyang lugar.

Nang hahawiin na ni Odin ang halaman kung saan nanggaling ang anino ay biglang lumitaw  si Kaslit sa kanyang likuran.

"Odin! anong hinanahap mo diyan?" tanong ni Kaslit

"ah! ikaw pala Kaslit, wala naman, kasi .. ano.." di mawari ni Odin kung ano ang sasabihin niya kay Kaslit dahil sa kanyang pagkagulat.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo?"

"Wala ka bang naaamoy o napansing kakaiba?" tanong ni Odin habang patuloy na sinisilip ang madilim na bahagi ng halamanan.

"Wala naman?"

"Wala ka bang naaamoy na iba?"

"ano ba yan Odin, wala naman akong amoy!" pabirong sagot ni Kaslit habang seryosong nakatingin sa kanya si Odin

Naputol ang kanilang pag uusap nang..

"Tulong! tulong! tulungan nyo ako!" boses ng isang babae na humihingi ng saklolo

"Narinig mo ba iyon Kaslit?" Tanong ni Odin

"Ang alin? wala naman..ano yun?" palingon lingon na tugon ni Kaslit

Isang  boses sa kawalan ang narinig ni Odin at  nag uutos sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin.

"Haplusin mo ang pendant ng iyong kwintas Daffodil" 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sumunod si Odin at dali dali niyang hinaplos ang kanyang pendant. Biglang siyang nabalot ng liwanag  at unti-unting nagbago ang kanyang anyo. Bumalik siya sa kanyang pagkadiwatang si Daffodil at nabalot siya ng kasuotang  yari sa gintong dahon na gawa ng kanyang inang si Halmin, lumitaw din sa kanyang bewang ang isang espadang yari sa ginto. Maya maya ay biglang dumapo sa kanyang balikat ang kanyang ibong kwago

May kakaibang pwersa na nagdidikta sa kanyang isip kung ano ang kanyang susunod na gagawin. Ibinuka niya ang kanyang palad at lumabas ang kanyang baton. Inutusan niya ito.

Si Kaslit ay tulalang nakamasid sa nangyayari.

"Dalhin mo ako sa lugar na pinanggagalingan ng boses" utos ni Daffodil sa kanyang baton

Dali daling naglaho si Daffodil at ang kanyang ibon.

Nagulat si Kaslit sa nangyari at nawalan ito ng malay.

Sa kabilang dako ay lumitaw si Daffodil sa tahanan ng babaeng humihingi ng saklolo.

Nagulat ang lalaking may dalang itak ng makita si Daffodil. Umiiyak naman ang isang duguang dalagita sa isang sulok ng bahay.

Lumipad ang kwago sa duguang dalagita at  pinagaspas-pagaspas ang kanyang pakpak, lumabas ang maraming puting pulbos at pansamantalang pinatulog nito ang dalagita

Ang lalaki naman ay akmang tatagain si Daffodil ngunit agad naman niya itong naiwasan. Patuloy ang pagtaga at paghabol ng lalaki kay Daffodil upang saktan ito. Hindi niya magawang saktan ang lalaki dahil ramdam niyang wala ito sa kanyang sarili at hindi ito masamang tao.

Maya-maya ay naglabasan na ang mga tao. Sama samang nag aabang sa labas ng tahanan ng dalagita at nagmamasid na parang nanonood lamang ng isang pelikula.

Pinipilit ng lalaki na masaktan si Daffodil ngunit mabilis itong nakakaiwas. Naglaho si Daffodil at lumitaw sa likod ng lalaki. Agad ikinumpas ni Daffodil ang kanyang baton paturo sa lalaki at agad itong natumba at nawalan ng malay.

Palakpakan ang mga taong nakakita sa pangyayari. Inutusan ni Daffodil ang kanyang kwago na dalhin ang walang malay na dalagita sa isang silid ng bahay na iyon. Naglaho ang ibon maging ang dalagita. Ikinumpas din ni Daffodil ang kanyang baton at naglaho. Nagulat ang mga tao at biglang nagtakbuhan sa kanya kanyang tahanan. May mangilan ngilan na patuloy na nagmamasid habang nakasilip sa kanilang bintana.

Lumitaw si Daffodil sa silid kung saan dinala ng kwago ang dalagita. Inutusan ang kanyang baton at unti unti gumaling ang mga sugat sa katawan nito. Nagmulat ito ng mga mata at bumungad sa kanya ang maganda at maamong mukha ni Daffodil. Bahagyang ngumiti ang dalagita.

"Sino po kayo? Asan na po ang aking ama? ano po ang nangyari sa kanya?" mahinahong tanong ng dalagita kay Daffodil ng mapansin niyang nasa silid siya.

"Tatay mo ba ang lalaking nanakit sa iyo? ano ba ang nangyari?" tanong ni Daffodil

"Opo, hindi naman po siya talagang nananakit. Nagsimula lang pong magbago ang kanyang ugali.. mga apat na araw na po mula ngayon. Nangahoy lang po siya noon sa kabundukan dyan sa may silangan, sabi po ng ibang tao, bundok daw po ito ng kadiliman. Hindi nagpapigil ang aking ama dahil wala na po kaming makain noon. Ngunit pagbalik po niya mula sa bundok ay wala po siyang dalang kahoy o pagkain. Nang tinanong ko po siya ay nagalit siya sa akin at sinampal ako. Yun po ang kauna-unahang pagkakataon na sinaktan ako ng aking ama. Lahat ng taong kanyang nasasalubong ay inaaway at sinasaktan po niya. Bigla pong nagbago ang kanyang ugali" Nag umpisa ng umiyak ang dalagita

"Natatakot po ako. Ano po nangyari sa tatay ko, bakit bigla siyang nagbago? maging mga kapitbahay namin ay natatakot na sa kanya."

"Wag kang mag alala, tutulungan ka namin...." muling inutusan ni Daffodil ang kanyang baton at lumitaw ang walang malay na ama ng dalagita

Nagulat ang dalagita at ito ay dali daling tumakbo sa sulok ng kwarto dahil sa takot

"Wag kang matakot, kaibigan ako. Isa akong Diwata. Pagagalingin natin ang iyong ama."

Lumipad ang ibon sa itaas ng lalaki. Pinagaspas ang kanyang pakpak at lumabas ang   dilaw na pulbos sa pakpak nito. Sa bawat pagdampi ng pulbos sa balat ng lalaki ay may lumalabas na itim na usok dito. Maya-maya ay nagkamalay na ito.

"Ano po ang nangyari?" sambit ng lalaki

"Sino kayo at bakit kayo narito sa aming silid?" patuloy na tanong ng lalaki

"Kaibigan po kami, isa po akong diwata. Wala po ba kayong naaalala sa nangyari? naparito ako dahil narinig kong humihingi ng tulong ang iyong anak." tugon ni Daffodil

"Anong nangyari? Diwata? meron bang ganun?" pagtatakang tanong nito at tumayo upang lapitan ang takot na anak

"Anong nangyari sa iyo? bakit ka natatakot?" tanong ng ama sa dalagita

"Tama na po 'tay, huwag nyo po akong sasaktan" umiiyak na samo ng dalagita at pilit tinatakpan ng kanyang braso ang kanyang mukha

Hinawakan ni Daffodil sa balikat ang lalaki upang pigilan ito sa paglapit sa kanyang anak

"Hayaan nyo po munang kausapin ko ang inyong anak" sambit ni Daffodil

Lumapit si Daffodil sa dalagita at bumulong. Maya maya ay tumayo ito at lumapit sa kanyang ama sabay yakap. Bago magpaalam si Daffodil  ay kinausap nito ang lalaki. Binasbasan niya ang tahanan ng  mag ama upang hindi na sila muling gambalain ng masamang ispiritong lumukob sa lalaki.

"Ano po ang iyong pangalan?" tanong ng dalagita

"Diwata, tawagin mo nalang akong diwata... Paalam!" pagkasabi ay naglaho si Daffodil at ang kanyang kwago

"Salamat po!" Sabay pasalamat ng mag ama

Nakita ng mga kapitbahay ang nangyari at nakaramdam sila ng pangangalaga dahil sa bago nilang tagapagtanggol.







Diwatang de KampanaryoWhere stories live. Discover now