Di Mawaring Pakiramdam

157 8 1
                                    

Magkatabing nakaupo sina Yael at Odin sa hardin habang ang ulo ni Yael ay nakasandal sa balikat ng dalagita. Gustong gusto nang sitahin ni Odin si Yael dahil hindi siya sanay sa ganung tagpo.


"Bakit kayo narito?" tanong ng lalaki sa bandang likod ni Yael

"Anong ginagawa nyo?" inis na dugtong ng lalaki sa likod

Lumingon si Odin at dumulas ang ulo ni Yael sa  balikat ng dalagita.

"Ikaw pala Ante..ahhh....napagod lang si Yael.." tugon ni Odin at hindi malaman kung ano pa ang kanyang sasabihin

"di ba girlfriend na kita?" pabirong sambit ni Yael sabay tawa ng malakas

Nainsulto si Ante at nilapitan ito. Tumayo at gumitna si Odin sa dalawa.

"tama na nga iyan! Halika na Ante..baka hinahanap na tayo ni father" sabay hawak sa kamay ni Ante at hinila niya ito palayo kay Yael.

Hindi nagkikibuan sina Ante at Odin habang naglalakad patungo sa opisina ni Father Miguel.

Tok! tok! tok!

"Ikaw na ba iyan Odin?" tanong ng pari

"Opo father"

"Sige pumasok ka na iha!" paanyaya ni Father Miguel. Hindi na pumasok si Ante, naupo na lamang ito sa upuang malapit sa pinto.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ng pari

"Opo father, nais ko pong alagaan at panatiliin ang ganda ng kampana ng simbahan. Pwede po ba ako duon?" hiling ng dalagita

"bakit iyon ang napili mo? medyo mabigat ang gawain doon." tanong ni Father Miguel

"Nais ko po kasing makasama ang bago kong kaibigan?"

"kaibigan? sinong kaibigan?" tanong ng pari

"isa po siyang dwende. Kaslit po ang pangalan" malugod na sambit ni Odin, di alintana kung maniniwala ang kausap o hindi

Bahagyang nagulat ang pari. Inisip na lamang nito na dahil sa nararamdamang kalungkutan ng dalagita ay gumagawa na ito ng sarili niyang kaibigan. Imbes na kontrahin ay sumang ayon nalamang siya.

"O sige, kung iyan ang nais mo, iyan ang iyong gawin. Tuwing ala-sais ng umaga dapat patunugin mo  ang kampana ganun din sa gabi. Tuwing may malakas na bagyo o delubyo ay kailangan mo rin itong patunugin. Papaturuan nalang kita kay Manong Kadyong sa mga dapat mo pang gawin duon"

"Opo father" nagpaalam na ang dalagita at ito ay lumabas

Nakita ni Odin na nakatanaw sa malayo si Ante habang ito ay nakaupo hawak hawak ang isang  maliit na tangkay ng halaman.

"Huwag mo sanang paniwalaan ang sinabi ni Yael kanina" pagpapaliwanag ni Odin

Sandaling lumingon ang binata at nagpatuloy na ito sa kanyang pagtanaw sa malayo.

"Ante..pansinin mo naman ako!" sabay hawak sa balikat ng binata

Tumayo si Ante at iniiwas ang kanyang balikat upang maalis ang kamay ng dalagita sa balikat nito at bahagyang lumakad palayo kay Odin.

"Sige na! bumalik ka na sa iyong silid at magpahinga. Lalabas muna ako at magpapahangin" utos ni Ante kay Odin sabay lakad palayo sa dalagita.

Naisip ni Odin na tama na munang mapag-isa si Ante, ayaw niyang lumaki pa ang inis nito sa kanya, kaya kahit mabigat sa loob niya, ay sumunod na lamang ito. Lumakad na palayo si Odin patungo sa kanyang silid. Pagkapasok sa kanyang silid ay agad itong nagtungo sa bintana at pilit tinatanaw si Ante ngunit hindi niya ito makita. Nalungkot siya sa hindi pagpansin sa kanya ng binata. Parang may kirot sa kanyang dibdib. Lumakad patungo sa kanyang kama at naupo ito sa gilid ..hihiga na sana siya ng may kumatok sa pinto.

Diwatang de KampanaryoWhere stories live. Discover now