Chapter Ten

2.4K 116 3
                                    


Chapter Ten: Guardian  

~~~~~

ZAQAR's POV


Agad akong nagising ng may maramdaman akong presensya sa gilid ko, at halos mahulog ako sa kama ko ng makita si Verniecca na nakatitig sa akin


W-what are you doing here?! – gulat kong tanong

Bangon na may training tayo – sabi niya

Training? – tanong ko

Yes, sa field – sabi niya tapos bigla na lang siyang nawala, napasapo na lang ako sa noo ko at saka tinignan ang orasan


4am? Tsk! – bulong ko at saka bumangon na para maligo


Matapos maligo ay agad na akong lumipad papunta sa field, nakakatamad kasing maglakad, pagkarating ko doon ay may limang hindi pamilyar sa akin


Witch sila, and I train them – sabi ni Verniecca na biglang sumulpot sa gilid ko

Why? – tanong ko

Hindi lang kayo ang dapat na lumakas – sabi niya

Let's start – sabi niya at saka nagsimula na ang madugong training


Ang unang training ay pinatakbo niya kami sa field, dito pa lang ay halos maubos na ang energy namin, pero dahil nga sa nagtetraining na kaming mabuti bago pa sila dumating ay kaya na namin ang mabigat na training


Zaqar, right?


Napahinto ako ng marinig ang tinig na iyon, nagulat ako ng makita si suma, tinanguan ko naman siya bilang sagot


Nakausap mo na ba yung Guardian mo? – tanong niya

Yes, pero hindi ko siya matalo – sagot ko

I'll help you – sabi naman niya at saka hinatak ako papunta sa kabilang dulo ng field

Base sa itsura ng katawan mo ay handa ka ng harapin ang guardian mo – sabi niya nanatili naman akong nakatitig sa kanya

Alam mo ang proseso hindi ba? – sabi niya sa akin, tumango naman ako

Simulan mo na – sabi niya, nag indian seat naman ako para simulan na ang pakikipagusap sa guardian ko, umupo naman siya sa harap ko, ipinagpatong na namin ang aming mga palad, kailangan ito dahil hindi ko magagawang mapasunod ang Guardian ko kung ako lang, ipinikit ko na ang mga mata ko at ipinokus ang sarili, ramdam ko ang lakas ng buong katawan ko, tama lang siguro na si suma ang tumulong sa akin, balita ko ay siya din ang tumulong kay Euan


Habang pinopokus ko ang sarili ko ay pakiramdam ko unti unting gumagaan ang katawan ko na para bang nakalutang ako, maya maya ay may nakita akong liwanag, nang makalagpas ako sa liwanag na iyon iyon ay nakarating na ako sa Mageland, ang lugar kung saan naninirahan ang mga Guardians, naglakad lang ako para hanapin ang Air Guardian, di kalayuan ay nakita ko na siya, agad akong lumapit sa kanya

Magical Incantation (On-hold)Where stories live. Discover now