Chapter Eleven

2.5K 114 9
                                    


Chapter Eleven: She's Crazy!  

~~~~~

~ 1 week later


VERNIECCA's POV


Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero malaki na talaga ang improvement nila Zaqar kahit yung mga witch ay madali ding natuto, I can say na magagaling ang mga nagaaral dito sa Elemental Academy, madali silang matuto, and tingin ko nga mas malakas na sila sa amin most especially the keepers, ang problema lang dito sa Elemental Academy is marami ang may attitude, if you know what I mean.


Ayokong makinig sa boring na klase kaya naman napagpasyahan kong mag ikot na lang sa campus, maganda ang campus nila akala mo nasa palasyo ka, natural lang siguro na ganito ang campus dahil dito nagaaral ang mga prinsipe at ang mga prinsesa o ang mga wizards na galing sa kilalang pamilya


Nakarating ako sa Garden, ang daming bulaklak na gawa sa diyamante kumikinang ito dahil sa sinag ng araw, at sa may gitna ay may fountain at di kalayuan ay may nakita akong hagdan na abot hanggang langit ang taas


Anong meron don? – bulong ko naman at saka tinungo ang hagdan, nakakapagod akyatin ang kada baitang kaya naman agad na akong pumasok sa portal para makarating agad sa tuktok nito, ilang beses akong pumasok ng portal para marating ang dulo ng hagdan hanggang sa may makita akong isa pang Garden, agad akong naglibot


This place is paradise – mahina kong sabi, para akong nakalutang dahil sa magandang ambiance



A dream is a wish your heart makes
When you're fast asleep
In dreams you will lose your heartache
Whatever you wish for you keep


Lagi akong napapakanta sa tuwing magaan ang pakiramdam ko at sa tuwing masaya ako kahit pa nasaan akong lugar


Have faith in your dreams and someday
Your rainbow will come smiling through
No matter how your heart is grieving
If you keep on believing
The dream that you wish will come true


Kada bulaklak na hawakan ko ay agad na bumubuka at para bang may pixie dust na lumalabas sa kanila

A dream is a wish your heart makes
When you're fast asleep
In dreams you will lose you---


How did you get here?


Agad akong napahinto at napalingon doon sa nagsalita, at nakita ang Prinsipe ng kasungitan


ZAQAR's POV


Naglalakad ako papunta sa Elemental Garden ng may marinig akong tinig, sigurado akong galing sa Elemental Garden iyon, nagmadali akong pumunta sa garden at nakita ko kung paano kuminang yung hagdan dahil sa boses nung kumakanta

Magical Incantation (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon