Chapter Seventeen: Missing Princesses
~~~~~
~Alexandrite Vasileio
THIRD PERSON's POV
Nagkakagulo ang tatlong palasyo sa Alexandrite Vasileio dahil sa pagkawala ng mga Prinsesa, ang tatlong Palasyo ay ang Imperial Palace, Royal Palace at ang Regal Palace
King Seeve sa palagay ko ay dapat na natin itong ipaalam sa buong kaharaian – sabi ni King Xenon ang hari ng Imperial Palace
Tama si King Xenon, King Seeve mas mabuti kung hihingi tayo ng tulong sa buong kaharian para sa paghahanap sa mga prinsesa, lalo na ng iyong anak na si Princess Saffron, limang taon na din siyang nawawala – sabi naman ni Queen Savina ang reyna ng Royal Palace
Sang ayon din ako sa aking mahal na asawa King Seeve, Queen Stacia – sabi naman ni Queen Seraphina ang Reyna ng Imperial Palace
Ganoon din ako, dahil mas makabubuti kung alam ng buong kaharian ang sitwasyon na tin, hindi tamang ilihim natin ang importanteng bagay na ito – sabi naman ni King Zephyr ang Hari ng Royal Palace
Hindi naman agad sumagot si King Seeve, malalim ang iniisip nito, pero maya maya lamang ay sumagot na din ito
Tama kayo, sa tingin ko ay mas makabubuti kung ipapaalam na natin sa buong Alexandrite Vasileio ang tunay na nangyayare sa loob ng tatlong palasyo – sagot ni King Seeve ang Hari ng Regal Palace
Fe – tawag ni Queen Stacia, agad namang lumapit si Fe at saka yumuko at lumuhod
Ano po iyon Queen Stacia? – sabi nito
Magpapagawa ka ng sulat at ipadadala sa buong kaharian na mayroong magaganap na pagpupulong bukas – sabi ni Queen Stacia ang Reyna ng Regal Palace
Masusunod po Queen Stacia – sabi nito at saka tumayo at yumuko ulit para magbigay galang
Agad agad silang kumilos para masimulan na ang pagaanunsyo ng magaganap na pagpupulong, at ang magaanusyo sa pagkawala ng mga Prinsesa
~Next Day
Sa harap ng Regal Palace gaganapin ang pagtitipon, punong puno naman ng ingay ang buong paligid, lahat sila ay tila walang kaide-ideya kung para saan ang pagtitipon na ito
Magandang Umaga Superiors – sabi ng tagapagsalita
Narito tayong lahat ngayo dahil may masamang balita ang kaharian – dugtong nito
Lalong napuno ng ingay at bulungan ang buong paligid, ang iba ay natakot ang iba ay kinabahan, natahimik ang buong paligid ng makita ang mga Hari at Reyna, agad namang umalis ang tagapagsalita sa podium para kay King Seeve
Magandang umaga sa inyo, nais kong ipagbigay alam sa inyo ang masamang balita na kinahaharap ng buong Alexandrite Vasileio, ang dalawang prinsesa ay nawawala na din – sabi ni King Seeve
![](https://img.wattpad.com/cover/29361185-288-k516578.jpg)
YOU ARE READING
Magical Incantation (On-hold)
FantasyAng kanilang kaharian ang pinakamakapangyarihan sa lahat, pero pinili nilang hindi makialam, ayaw nilang masira ang iniingatan na kaharian. Ano nga kaya ang mangyayare kung ang mga Prinsesa ng kahariang ito ay ginustong tulungan ang ibang kaharian? ...