Chapter Twenty-Three: Mission Part 3
~~~~~
AVA's POV
Maaga kaming nagising kinabukasan para maghanda sa paghahanap ulit, nang lumabas ako sa kwarto ko ay siyang paglabas din ni Ver sa kwarto niya
Good morning – bati ko sa kanya
Morning – sagot naman niya
Sabay na kaming bumaba, nakita namin silang naghihintay sa amin, napatingin naman ako kay Zaqar at Suma na magkatabi, hindi ko talaga maiwasang hindi mapaisip sa kanilang dalawa, bahagya naman akong napalingon kay Ver na nakakunot ang noo habang nakatingin doon sa dalawa
I smell something.. fishy fishyyy
Napangisi naman ako sa iniisip ko, kasabay non ay ang paglingon ni Ver sa akin
What's wrong with you – sabi niya
Wala naman, may napapansin lang ako – nakangiting sabi ko, kita ko ang pagsingkit ng mga mata niya
Nang makababa kami ay agad nila kaming napanin kaya tumayo na sila
Mag-iingat kayo – sabi ni Queen Arika
Lumabas na kami sa palasyo, para simulan ng muli ang paghahanap sa mga prinsesa, hindi pa man kami nakakalayo ay agad na nagsalita si Lite
Maghiwhiwalay tayo para mas mapadali na ang paghahanap – sabi ni Lite, saagot pa lang ang isa sa amin ng umalis na si Ver
Tss pasaway – sabi ni Firmus
Magkita na lang tayo sa may bayan – sabi ni Firmus at saka umalis na din
Naglalakad ako sa may bandang liblib na lugar, nilibot ko ang tingin sa buong paligid, wala na masyadong bahay dito, binalak kong bumalik na lang pero naisip ko na dapat kong tignan ang buong paligid dahil baka kung saan pa di mo aasahan na andon ang mga Prinsesa ay doon mo pasila makikita, habang nagiikot ay napahinto ako ng biglang may nagsalita
Wala ang mga Prinsesa dito
Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at nakita ang isang batang babae
Paano ka nakakasigurong wala sila dito? – tanong ko
Nilibot ko na ang buong Citrine wala sila dito – sabi naman niya
Bahagya akong napatawa dahil nanggaling sa isang bata ang mga katagang iyon, kita ko ang pagkunot ng noo nung bata
Pinagtatawanan mo ba ako? – sabi niya, umiling naman ako
Alam mo ba ang itsura ng mga Prinsesa? – nakangiting tanong ko sa kanya, bahagya naman siyang natigilan
![](https://img.wattpad.com/cover/29361185-288-k516578.jpg)
YOU ARE READING
Magical Incantation (On-hold)
FantasyAng kanilang kaharian ang pinakamakapangyarihan sa lahat, pero pinili nilang hindi makialam, ayaw nilang masira ang iniingatan na kaharian. Ano nga kaya ang mangyayare kung ang mga Prinsesa ng kahariang ito ay ginustong tulungan ang ibang kaharian? ...