Chapter Eighteen

2.5K 121 17
                                    


Chapter Eighteen: Hiding in other personality  

~~~~~


AVA's POV


Nagpalipat lipat ang tingin namin sa kanilang apat dahil sa pagsasagutan nila, halos lahat nga ng nasa cafeteria ay nakatingin din sa kanila


TOTOO NAMAN AH?! PURO PAKIKIPAGKUMPITENSYA ANG ALAM NIYO! – sabi ni Suma

SO ANONG GUSTO NIYONG IP--

STOP THIS CHILDISH ACT! – inis na sigaw ni Ver


Agad akong napalunok dahil sa tono ng boses niya para siyang sinapian ng kung ano dahil sobrang ankakatakot siya tapos napapalibutan siya ng dark aura, halos lahat ng tao sa caf ay napatalon sa gulat


Kung gusto niyong hanapin ang mga Prinsesa gawin niyo para sa Elementalville! Hindi para magkaroon ng karangalan! – inis niyang sigaw sabay alis


Nang mawala siya sa caf ay parang naalis yung bara sa lalamunan naming lahat


KATAKOT HUHU! – sabi ni Momo

Ginalit niyo kasi! Nakakatakot tuloy kausapin ang isang iyon! – sabi ni Xena

Kayo kasi! Huhuhu! Paano na natin kakausapin yon! – sabi ni Momo

Kayo kumausap dalawa! – sabi ni Xena

A-ayoko nga! Iakw na Suma matapang ka naman eh! – sigaw ni Lite

A-ano?! A-ayoko nga! Sila na lang! – sabi ni Suma sabay turo kila Euan

No way! – sabi ni Euan

Mas ayaw ko! Si Ava na lang – sabi ni Firmus sabay padabog na umupo, halatang mga natakot lahat kay Verniecca

HAA?! Bakit ako!? Ayaw ko! Huhu! Katakot kaya siya! Parang sinapian ng kung ano! – sabi ko naman

Si Yin at Yang na lang! – dugtong ko

Luh ayaw namin! – sabi nilang dalawa


Nagkatinginan naman kaming lahat sabay tingin kay Zaqar na tahimik na kumakaen, agad naman siyang napahinto sabay napatingin sa amin at napakunot ang noo


Kausapin mo si Ver!! – sabi ko sabay puppy eyes

Bakit ko naman kakausapin yon? – taas kilay niyang tanong

Kausapin mo siya kung anong plano – sabi ni momo na andito na din bigla at nakaluhod sabay nakahawak sa mesa

Why not just wait until she cools her mind? – sabi ni Zaqar

Oo nga naman? – sabi ko

Ang OA niyo naman kasi – sabi ni Firmus

NOOO! – sabay na sigaw nila except kay Lite na umiiling lang

Kapag nagalit yon, wala na siyang pake – sabi ni Momo

Walang pake? – tanong ko

Magical Incantation (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon